Chapter Twenty Nine (Ang Tunay Na Plano Ni Melton)

178 4 2
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

KINABUKASAN...

Maagang nagising si Grey.

Pagbaba niya ng hagdan ay agad siyang binati ni Eloisa at West.

Eloisa: Happy Birthday, Anak!

Niyakap siya ng Ina.

West: Happy Birthday, Kuya Grey.

Grey: Salamat, Mommy, West.

Eloisa: So, ready ka na ba mamaya sa party mo sa SIENA HOTEL?

Grey: (Ngumiti) Handang handa po, mommy.

Nag ring ang phone ni Grey.

Grey: I'll just take this call, Mom.

Eloisa: Sige..

Tinapik ni Grey sa balikat si West tsaka lumayo ng bahagya kina Eloisa.

Grey: (Sinagot ang phone) Hey Prinsesa!

Princess: (Sa kabilang linya) Hi Gorgeous! Happy birthday!

Grey: Thanks. See you later ah?

Princess: Yeah. Sana magustuhan mo yung hinanda ko for you.

Grey: That's for sure. Thank you sa pag aasikaso mo ng lahat for my party.

Princess: Don't mention it. Basta mag enjoy ka lang later and maging masaya ka sa birthday mo eh okay na ako dun.

Grey: Sigurado yun.

Princess: Okay. Oh siya sige na, marami pa akong gagawin ah? I'll see you tonight, bye. I love you!

Grey: I love you too. :)

•••••••••••••••••

Sa kwarto ni Beca.

Nakaupo siya sa harapn ng salamin.

Malalim ang iniisip.

Naalala niya ang pinag usapan nila ni Princess sa restaurant.

*FLASH BACK*

Princess: Alam ko ang buong kwento tungkol sa inyo ni Grey. Hindi naman siya naglihim sa akin.

Natulala si Beca sa sinabi ni Princess.

Princess: Alam ko rin na hanggang ngayon, may natitira pa siyang pagmamahal sa'yo, pero kampante ako na mahal ako ni Grey at hindi niya ako iiwan.

Beca: K-Kung ganon, bakit gusto mo pa akong makausap? A-ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin?

Princess: Mahal mo pa rin si Grey, Hindi ba?

Natigilan si Beca sa tanong ni Princess. Napansin din niyang may namumuong mga luha sa mga mata nito. Hindi siya makapagsalita.

Princess: Sorry, Hindi ko na dapat tinatanong ang mga bagay na alam ko na naman ang sagot. Alam kong mahal mo pa rin si Grey lalo na ngayon na alam mo na na hindi ka naman talaga niya niloko.

Beca: Sa totoo lang, nagsisisi talaga ako na hindi ko siya pinaniwalaan noon. Masyado akong nadala ng galit ko eh. Hindi ko na siya nabigyan ng pagkakataon na patunayan na hindi niya ako niloko. Tama ka, Mahal ko pa rin siya pero hindi na pwede eh. Alam kong masaya at buo na ulit siya sa piling mo kaya ayoko nang sirain pa yun. Ang gusto ko lang maging okay na kami, gusto kong marinig sa kanya na pinapatawad na niya ako para mapatawad ko na rin ang sarili ko...

Napaluha si Beca.

Hinawakan ni Princess ang kamay ni Beca.

Princess: Kahit hindi niya sabihin, alam ko at nararamdaman ko na napatawad ka na niya. Oo, nagalit siya sa'yo, ginusto niyang saktan ang damdamin mo at maghiganti sa mga taong sumira sa relasyon ninyo pero alam ko na sa puso niya siya pa rin ang dating Grey na nagmamahal sa'yo. Kaya alam ko na napatawad ka na niya.

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon