Chapter Five (Ang Sikreto Ni Grey)

184 5 5
                                    

CHAPTER FIVE

Sa Bridget's.

May mga kausap na babae si Grey malapit sa parking area.

Halatang seryoso ang pinag uusapan nila.

Si Gema, Trish at Paula. Kapwa mga kaklase ni Grey na medyo malapit din sa kanya.

Napadaan si Roxy at Zandra, nakita nila ito at napahinto sila.

Zandra: Hmmm, ano kayang pinag uusapan nila? (Nakataas ang isang kilay).

Roxy: The hell we care?

Zandra: Hindi kaya nakikipag flirt siya sa mga yun?

Roxy: Okay ka lang? Sa itsura niya? Makikipag flirt pa siya? (Umirap kay Zandra).

Zandra: Curious lang ako eh, mukha kasing seryoso sila. Tignan mo si Paula, parang kinikilig pa?

Patuloy sila sa pagmamasid.

-----

Tapos ng makipag usap si Grey sa tatlong babae.

Nakasalubong nina Roxy at Zandra si Paula.

Zandra: Hey, Paula!

Paula: (Nagtataka) Yes?

Roxy: Nakita kasi namin na kausap kayo ni Grey kanina, anong pinag uusapan niyo?

Paula: Ha?

Zandra: Mukha kasing seryoso eh.

Paula: Naku, hindi ko pwedeng sabihin sa inyo eh. Confidential.

Roxy: Confidential?

Mas lalong nangati ang mga tenga nila na malaman ang pinag usapan nina Grey kanina.

Roxy: Tungkol ba yan kay Beca?

Paula: Sorry pero hindi ko talaga pwedeng sabihin, sige uuna na ako.

Zandra: Wait!

Napahinto si Paula.

Zandra: Friends kami ni Beca, we should know kung anong sinabi sa inyo ni Grey?

Paula: Pero----

Roxy: Trust us.

Hindi makaimik si Paula.

Roxy: Okay, ganito. Kapalit ng impormasyong yan eh tutulungan kita kay Henxon.

Namula si Paula. Si Henxon ay isa sa mga players ng Bridget's Basketball Team na sobrang crush niya.

Zandra: Oo nga! Close namin yun! Pwede ka naming ilakad sa kanya, hindi ba Roxy? (nakangiti).

Roxy: Right! (ngumiti).

Paula: Talaga?

Mukhang bibigay na si Paula. Nagtinginan sina Roxy at Zandra at nag ngitian.

-----

Magkakasama sina Melton, Daj at Ecker sa Nursing building ng Bridget's.

Doon sila madalas tumambay kapag walang klase dahil maraming mga hot chics doon. Nakaupo sila sa isang bench sa gilid ng hagdan ng building at sinisipat ang mga babaeng nursing students na nagdadaanan.

Daj: Ang hot nun ah!

Nung may dumaang matangkad na babae na matambok ang boobs.

Ecker: She's mine bro! Haha!

Napansin nila ang pananahimik ni Melton kaya naman inusisa siya ni Daj.

Daj: Dude! Seryoso tayo dyan ah? Nag away ba kayo ni Penelope?

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon