CHAPTER FOUR
Sa isang isang high end na bar sa the fort. Nagkakasiyahan sina Melton at ang mga kaibigan niya. Kasama din nila sina Zandra at Roxy.
Nakaupo sila sa isang puting couch habang uniinom.
Madaming hot girls ang dumadaan sa tapat nila hindi mapigilang mapatingin ni Melton at ng mga kaibigan niyang lalake na sina Daj at Ecker.
Ecker: Dude, bakit hindi mo sinama si Penelope?
Melton: Busy yun. Alam mo naman ang mga artista hindi ba? Laging walang time (sabay inom ng beer).
Daj: I heard nga kasama siya sa isang teleserye kaya talagang busy yun.
Roxy: By the way, Melton. Kayo na ba ni Penelope?
Zandra: Oo nga? What's the real score between you and Penelope?
Melton: Are you guys asking that in behalf of my Ex Beca? (Ngumiti).
Nagkatinginan sina Roxy at Zandra.
Roxy: Hindi naman, gusto lang naming malaman. Kasi hindi ba nililigawan mo siya?
Melton: Yes, kami na.
Zandra: Really? Ano kayang magiging reaksiyon ni Beca kapag nalaman niya 'to?
-------
Sa kwarto ni Beca. Hindi siya makatulog. Maraming gumugulo sa isip niya. Gaya ng mga sinabi ng kuya Brix niya. Somehow tama siya, tama din si Roxy at ang mga taong nagsasabi na hindi sila bagay ni Grey. Pero may parte sa puso niya na alam niyang tama din siya. Tama ang desisyon niya na mahalin si Grey. Si Grey ang tanging karamay niya noong mga panahong heart broken siya kay Melton.
Naalala niya ang mga sandaling sila pa ni Melton.
Masaya sila noon, sweet din naman si Melton. Halos isang taon din ang itinagal ng relasyon nila.
Akala niya noon ay si Melton na talaga ng lalakeng para sa kanya. Pero nagkamali siya. Ang mga katulad ni Melton na Gwapo, Mayaman at Sikat ay mga manloloko.
Wala itong ipinagkaiba sa mga naging boyfriend niya noon na hindi marunong makuntento. Laging naghahanap ng mas higit at ng mas exciting.
Hindi kayang panindigan ang relasyong pinasok nila.
Ginagawa lang nilang laruan ang mga babae. Idini-display sa mga kaibigan nila tapos pag nagsawa na ay papalitan na.
Galit na galit siya kay Melton. Minahal niya ito ng sobra-sobra pero niloko lang siya. Tatlo pala silang pinagsabay-sabay ni Melton. Ang kapal ng mukha, naisip niya.
Kaya ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya mag mamahal ulit ng kagaya ni Melton.
Nagbalik din sa ala-ala niya ang unang araw na nakilala niya si Grey.
Matagal na niyang nakikita si Grey sa Bridget's. Lagi pa nga niya itong nahuhiling nakatingin sa kanya pero hindi niya ito pinapansin.
Hindi naman talaga pansinin si Grey.
Aminado siya na hindi naman talaga siya na attract kay Grey.
Hanggang isang araw, nakita siya ni Grey na umiiyak sa park ng Bridget's. Nakaupo siya noon sa isang bench. Inabutan siya ni Grey ng panyo.
Grey: Baka ma dehydrate ka na sa kakaiyak mo.
Napatingin si Beca kay Grey. Medyo malabo ang tingin niya dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata niya.
Inabot niya ang panyong inalok ni Grey.
Naupo si Grey sa tabi niya. Ang lakas naman ng loob nitong lalakeng ito na tabihan siya eh hindi naman sila close, sa isip niya. Patuloy ang pag hikbi niya at pag laglag ng mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)
RomanceSi Beca na napaka ganda ay na in-love kay Grey na hindi ka-gwapuhan.Maraming hindi sang ayon sapag iibigan nila pero walang rason para hiwalayan nila ang isa't-isa. Ngunit nandiyan si Melton,ang ex boyfrined ni Beca na gagawin ang lahat para muling...