Chapter Thirty Two (Ang Kalagayan Ni Princess)

156 5 3
                                    

KINABUKASAN...

Nagising na si Beca.

Agad niyang nakita ang kanyang mommy na naka upo sa sofa at naka idlip na ata sa pagbabantay sa kanya...

Beca: M---Mommy....

Tila naalimpungatan si Lauren ng marinig ang tawag ni Beca.

Napabalikwas siya at agad nilapitan si Beca.

Lauren: Anak! Thank GOD you're awake!

Niyakap niya ito.

Lauren: Tatawagin ko lang ang doktor!

Beca: Mommy, si Grey po? Nasaan siya?

Lauren: Si Grey? W-Wala siya ngayon dito, hija eh. Kagabi umalis na siya pero ang sabi ng kuya Brix mo babalik daw sila ni Princess.

Beca: Okay lang po ba siya mommy? Hindi ba siya nasaktan ni Melton?

Lauren: He's fine. Bakit ba ikaw pa itong nag aalala?

Hindi na sumagot si Beca.

Lauren: Tatawagin ko na ang doktor...

--------------------------------------

PAALIS SI GREY NG BAHAY NILA UPANG BUMALIK SA HOSPITAL.

Grey: Mommy, aalis na muna ako. Dadaanan ko na rin si Princess.

Eloisa: Oh sige, balitaan mo na lang ako kung ano na ang lagay ni Beca ah?

Grey: Opo. Sige po I have to go (Humalik sa ina).

Eloisa: Mag iingat ka.

Lumabas na ng bahay si Grey.

--------------------------------------

SA BAHAY NINA MELTON.

Hindi pa rin umuuwi si Melton.

Nag aalala na rin si Arnaldo (Daddy niya) Dahil may mga pulis na nag punta sa bahay nila kagabi at hinahanap si Melton.

Hindi na rin naman niya ito ma-contact.

------------------------------------------

I HEART COFFEE.

Nandoon sina Zandra at Amanda.

Zandra: Nasaan na nga kaya si Melton?

Amanda: Hindi kaya naka alis na siya ng bansa?

Zandra: Posible rin yun pero malakas ang kutob ko na nandito pa siya.

Amanda: Cannot be reached na yung number niya eh. Hindi na rin daw tumawag ulit sabi ni Daj.

Zandra: Sana naman matauhan na siya at sumuko na lang siya.

Amanada: Sana nga.

-----------------------------

Nalaman na rin ng daddy ni Beca ang mga nangyari kaya agad itong umuwi galing Cebu.

Brando: Salamat sa DIYOS at ligtas ka hija. Kamusta na ang pakiramdam mo?

Beca: (Ngumiti) Maayos na ako dad. Huwag na po kayong mag alala nina mommy.

Brando: Kailangang managot si Melton sa ginawa niya sa'yo. Gagawin ko ang lahat para mahuli siya.

Biglang dumating sina Grey at Princess.

Lauren: Kayo pala.

Beca: Grey....

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon