Chapter Twenty Four (Ang Galit Ni Beca)

322 3 2
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

UMAGA...

Hindi na nakatulog si Beca dahil sa mga nangyari. Agad siyang nagpa book ng flight pabalik sa Manila.

Nagpaalam na rin siya sa Daddy niya at agad naman itong pumayag.
Nasabi na rin kasi ni Beca ang lahat sa Daddy niya.

Babalik siya ng Maynila para harapin na si Melton at ang mga kaibigang pinagkatiwalaan niya. Mga kaibigang akala niya ay kakampi at karamay niya.
Mga kaibigan niyang niloko lang pala siya. Trinaydor.

Samantalang si Grey naman ay abala pa rin sa mga commitments niya sa Cebu.
Pero hindi niya maitatanggi sa sarili na may parte pa rin sa puso niya na nagsasabing mahal niya si Beca pero hindi na pwede dahil nandiyan na si Princess. Ang babaeng bumuo sa kanya. Ang babaeng nagmahal sa kanya noong mga panahong wasak na wasak siya. Ang babaeng bumago sa buhay niya. Ang babaeng alam niya na hindi siya sasaktan gaya ng ginawa ni Beca.

•••••••••••••••••

GALVEZ's HOUSE.

Nandoon si Princess at kausap ang mommy ni Grey.

Eloisa: Salamat talaga, hija. Ikaw pa talaga itong nag aasikaso ng birthday party ni Grey. I know you're very busy.

Princess: It's okay, tita. Para kay Grey gagawin ko po ang lahat.

Ngumiti si Eloisa.

Eloisa: Napaka swerte ng anak ko sa'yo. Mahal na mahal mo talaga siya.

Princess: Ma swerte din naman po ako kay Grey. Alam ko po mahal niya rin ako. Pero minsan naiisip ko po kung talaga bang nakalimutan na niya si Beca.

Naging malungkot ang tono ni Princess.

Princess: We know how much he loved Beca. Noon, lagi siyang umiiyak. Laging si Beca ang bukang bibig niya. Natatakot po ako na baka isang araw ma-realize niya na si Beca pa rin yung mahal niya.

Natigilan si Eloisa.

Eloisa: Hija, Alam ko na mahal ka ng anak ko. Nararamdaman ko na masaya siya kapag magkasama kayo. Ikaw ang muling bumuo ng puso niya kaya alam ko na ikaw na ang mahal niya.

Pilit ang ngiti ni Princess.

Princess: Thanks tita.

Niyakap niya si Eloisa.

••••••••••••••••••

Nakauwi na si Beca sa bahay nila sa Manila.
Nadatnan niya si Brix na nakatayo malapit sa hagdan.

Brix: Beca? Biglaan yata ang pag uwi mo? Tapos na ba ang trabaho niyo ni Daddy sa Cebu?

Beca: Hindi pa. Pero pinayagan na ako ni Daddy na umuwi. May kailangan akong harapin.

Brix: So alam mo na? Nakita mo na yung mga photos ni Melton sa internet?

Beca: Yes. Pero hindi na yun mahalaga sa akin, kuya.

Nagtaka ang mukha ni Brix.

Brix: What do you mean?

Beca: You'll know. Nasaan ang GF mo?

Brix: Why?

Beca: Gusto ko siyang makausap. Tawagan mo siya, sabihin mo magkita kita kami dito. I-text na rin niya kamo sina Amanda, Zandra, Melton, Ecker at Daj!

Parang galit ang tono ni Beca kaya nagtataka si Brix.

Brix: Are you okay, Beca?

Beca: NO, kuya! I'm NOT OKAY. Excuse me, magbibihis lang ako.

Nung Ma In Love Ako Sa'yo! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon