Chapter 3: Scarcity

1.2K 50 34
                                    

Nagising ako sa mga boses na tila nagtatalo. Galing man iyon sa labas ng tent ay dinig ko pa rin iyon, ngunit hindi sapat para maintindihan ko. Ilang minuto din ang lumipas at nagpatuloy iyon kaya naman napagdesisyonan ko nang bumangon at maupo sa banig.

Saglit pa sana akong mananatiling nakaupo nang mapalingon ako sa labasan ng tent dahil sa paglakas pa ng boses na naririnig ko mula sa labas. Kunot noo kong pinakinggang ang mga boses, ngunit hindi ko pa rin lubusang marinig ang mga sinasabi nila. Kinain ako ng aking kuryosidad at agad akong tumayo at lumabas na ng tent

"Ano na'ng gagawin natin? Ano na ang kakainin natin ngayon? Ng mga bata?" Nadatnan kong nangingiyak na sabi ng isang ginang na kabilang sa nagkukumpulang mga tao.

"Oo nga. Kahit pangkain lang para sa mga bata," pagsang-ayon naman ng isang lalake at nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga tao na parang nagpahayag ng kanilang mga reaksyon. Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan o ang pinagtatalunan nila dahil sabay-sabay na silang nagsasalita. Kunot noo ko silang pinanood nang puno ng pagtataka.

"Oh, Ean! Gising ka na pala." Agad akong napalingon sa tumawag ng atensyon ko. Mula sa kanilang tent ay tinabihan niya ako at sinamahang pagmasdan ang mga nagtatalong Downsector.

"Ano'ng meron, ate? Bakit may pagkukumpulang nagaganap?" Tanong ko na may halong biro. Sa paglingon ko kay ate ay tinignan niya ako na para bang hindi ito ang tamang oras para magbiro.

"Hindi na nila alam ang gagawin para sa makakain natin. Kahit ako hindi ko na rin alam kung saan pwedeng makahingi o makakuha," nag-aalalang sagot ni ate. "Sinubukan ko na humingi ng kahit kaunti sa mga Upsector na pinagsilbihan ko. Wala naman silang maibigay. 'Yung ibang kakilala ko hiningan ko na rin kaso-- wala rin."

"Teka, hindi ba't pinagsama-sama natin 'yung mga natitirang pagkain?" Pagtataka ko. Matapos kasi kaming pagbawalang bumili sa central market ay napag-usapan ng buong Downsector na ipunin ang mga natitira naming pagkain. Kung anuman ang mga naipon ay pinagsasaluhan namin nitong mga nakaraang araw nang sa gayon ay may oras pa kami para maghanap ng paraan para makakuha ng makakain.

"Kailan pa iyon, Ean? Mauubos at mauubos din iyon," aniya at agad kong nakuha ang pinpunto niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa nalaman ko. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula noong pagbawalan kami bumili sa palengke. Hindi naman kaunti lang ang mga Downsector. Kahit anong tipid namin sa pagkain ay mauubos din 'yon. Paano pa nga ba kami makakakain nito kung bawal na nga kaming lumabas ng bayan, bawal pa kaming bumili sa palengke. Eto na nga ba ang inaalala ko eh, hindi magtatagal ay hahantong sa ganitong krisis ang Downsector dahil sa lintek na batas na 'yan.

Dama ko ang bigat at pag-aalala sa katabi ko kaya naman inalo ko siya sa pagpatong ko ng kamay sa balikat niya. "Yaan mo, ate. Susubukan kong umalis mamaya. Hahanap ako ng paraan."

Tinapik-tapik niya ang kamay ko saka siya nagsalita. "Salamat, Ean. Pero ilang araw ka nang naghahanap ng paraan. Ni hindi mo na nabibigyan ng oras ang sarili mo. Lalo na ngayong hindi ka na nakakakuha ng balita sa diyaryo, paano mo pa maibabalik--"

"'Wag mo akong intindihin, ate. Ayos lang ako," nakangiting wika ko sa kanya. Ayan na naman kasi si ate, todo alala na naman para sa akin.

"Ayun! Siya ang sisihin niyo kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to!" Inagaw ng isang lalake ang atensyon namin ni ate Vivith nang sumigaw siya at tinuro ako. Kusa akong napasimangot dahil doon. Ako na naman ang nakita ng matandang huklubang 'to. "Kung wala ang lalakeng iyan dito, eh hindi sana--"

"Mawalamg galang na, manong Cowell. Hindi 'to kasalanan ni Ean," pagputol ni ate Vivith sa litanya ni matandang Baka. Hinawakan ko naman agad sa braso si ate upang pigilan siya.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon