Chapter 10: Defensive

932 38 39
                                    

Lumabas ako ng tent at agad pinagmasdan ang komyunidad ng Downsector. Dahan-dahan at mataman ko silang pinagmasdan. May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Ang iba ay nakikipagkuwentuhan habang ang ilan naman ay payapa lang sa kung anumang ginagawa nila. Naglalaro naman ng habulan ang mga bata, ngunit saglit akong nagtaka nang hindi ko makita si Dylan sa mga naglalaro. Eh malimit kasali 'yon sa mga ganyang laro. Nangiti na lang ako sa aking nakita. Ganoon pa rin sila, masigla pa rin at tila wala nang pinoproblema.

Sa mga nakikita ko ay nakumbinsi ko ang aking sarili na maaari na akong umalis sandali at pumunta ng Upsector, ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay may tumawag na sa akin.

"Ean, saan ang punta mo?" Salubong sa akin ni ate Vivith na kasama si Dylan. Una kong napansin ang bimpo sa likod ng bata. Doon ay agad kong nakuha na kaya pala hindi siya kasali sa mga batang naglalaro ay baka kanina pa siya naglalaro.

"May pupuntahan lang, ate," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ah, ganoon ba. Sige, mag-iingat ka. Kagabi hindi na kita namalayang umuwi. Pasensya ka na, napagod lang kasi ako sa gawain dito eh," mahaba niyang litanya na sinagot ko ng isang iling.

"Wala 'yon, ate, ayos lang," pagpapalubag ko ng kanyang loob. Sa totoo lang ay mas mabuting hindi ako nadatnan ni ate kagabi. Kapag nagkataon, hindi ko alam ang sasabihin ko tungkol sa nangyari kahapon. Buti nga rin ay mukhang hindi pa ito nakakarating sa kanila. Wala naman silang nababanggit dito mula pa kanina, kaya siguro ay wala pa rin silang alam sa nangyari.

Nang maalala ko ang tungkol dito ay agad akong tinamaan ng pag-aalala para sa mga kaharap ko ngayon. Hindi biro ang kinakaharap naming problema ngayon. Wala ring makakapagsabi kung hanggang kailan mananatiling payapa ang Downsector o ang buong Edira.

Yumuko ako at lumuhod upang makausap ko nang maigi si Dylan. Nginitian ko muna siya bago ako nagsimula. "Dylan, natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon?"

Kumunot ang noo niya at pinukulan ako ng nagtatanong at inosenteng tingin. "Alin, kuya?"

"'Yung tungkol sa pagiging partner ko," sagot ko rito.

Walang anu-ano'y lumiwanag ang mukha niya at sumilay ang malapad na ngiti sa kanya. "Opo, kuya. Bakit, isasama niyo na po ba ako sa pupuntahan niyo?"

Marahan akong natawa sa sinabi niya. Bahagya kong ginulo ang buhok niya at nagsalita. "Hindi pa ngayon, Dylan." Doon ay agad sumambakol ang mukha niya. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo ang tungkulin mo bilang partner ko. Si ate Vivith-- ikaw magbabantay sa kanya, huh?"

"Tsk, sige na nga po," tila dismayado niyang sabi na halos hindi na maipinta ang mukha. Lalo naman akong natuwa sa naging reaksyon niya. Halos tumulo na uhog eh. Haha!

"Sige, ate. Una na ako. Baka gabihin ulit ako ng uwi," paalam ko sa kanya sabay tayo muli. Mula sa tango at makahulugang tingin niya sa akin ay tila pinaabot niya sa akin ang isang pasasalamat. Marahil ay siguro sa nagawa ko sa anak niya at patuloy kong pag-aalaga rito. Nginitian ko na lang siya at umalis na. Minsan talaga madrama rin 'tong si ate. Eh ilang beses ko na rin namang sinasabi sa kanya na parang kapatid ko na si Dylan. Malamang aalagaan ko 'yon.

*****

Dali-dali kong pinagbuksan ng pinto ang aking sarili at mabilis din itong sinara. Napasandal ako sa pinto at doon nakahinga nang maluwag. Salamat sa diyos! Bulong ko sa aking sarili. Seryoso, lumalala na ang masamamg titig ng mga Upsector dito. Ano na naman kaya problema ng mga 'yon? Nadaig pa ata ng mga Upsector na 'yan ang mga nakalaban namin kagabi. Akala ko nga mga nasaniban na rin sila eh, kaso naisip ko na araw-araw naman eh ganoon sila.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon