Chapter 16: Bold and Forthright

768 35 45
                                    

"Oh, Brendz? Ano-- kumusta 'yung mga kasama mo?" Bungad ko sa kanya habang papalapit pa lang siya kung saan nakapabilog na nakalatag ang mga tela sa gitna ng buhanginan. Porma pa lang ng kilay niya ay agad ko nang nakuha na nainis siya sa mga ito. Sabagay, lagi naman atang nakaangat ang kilay niyan.

"They fell asleep in the middle of my orders. F*cking useless," iritado niyang reklamo sa mga ito sabay upo sa tapat ko. Bahagya naman akong natawa dahil doon.

"Hayaan mo na sila. Baka napagod lang sa paglalakad. Nakatulog na nga rin si Moira sa pagod eh," sabi ko sa kanya na inirapan niya lang.

Hindi ko rin naman siguro masisisi kung makatulugan na ng dalawa pa naming kasamang Seniors ang team leader nila na si Brendz. Pangalawang gabi na ngayon simula noong umalis kami ng Edira at naging walang tigil na ang paglalakad namin. Tuwing ganitong gabi na lang kami nakakakuha ng tiyansang makapagpahinga. Dagdag mo pa kung gaano kahigpit ang lider nila. Saksi ako kung paano sila nito bigyan ng mga utos. Minsan maaawa ka na lang sa kanila. Pero malimit ay natatawa na lang ako sa mga palihim nilang daing.

Sa mga panahon namang nakasama ko si Brendz ay may ilang bagay na rin akong natutunan tungkol sa kanya. 'Yun nga, mataray siya. Malimit niya kaming pinagtataasan ng kilay kapag kinakausap namin siya sa gitna ng paglalakad. Gayunpaman ay pakiramdam ko mabait naman siya. Sa ngayon ay hindi ko pa lang siguro nakikita iyon. Siguro malapit na. At kung alam niya lang siguro ang mga pinagsasabi ko tungkol sa kanya ngayon, baka inirapan na naman ako nito.

"We'll soon reach the boundaries of the continent of Orthil," pangungusap ni Brendz sa gitna ng pag-iisip ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil dito. "Maybe after a few hours once we start moving early tomorrow again."

"Talaga!?" Sabik kong bulalas na walang gana niyang tinanguan. Ganoon na pala kaming kalapit sa Orthil. Gusto ko nang makita ang pagkakaiba ng lugar na nakasanayan ko mula sa Orthil. Ayon sa mga kasama ko, kung binubuo raw ng disyerto ang buong Caidel, ang Orthil naman daw ay napapalibutan ng masusukal na gubat. Ibang-iba raw ang mga tanawin dito kumpara sa Orthil. Isa pa'y hindi hamak na mas maginhawa raw ang hangin doon. Iniisip ko pa lang ay mukhang magandang lugar na 'yon.

"Well, I guess luck is still on our side that we manage to get this far without any intervention," anito habang nakatingala sa kalangitan at tinitignan ang malaking Crack. "And I hope that it will stay that way."

"Oo nga, buti na lang wala pang lumalabas na Visitant diyan, 'no?" Segunda ko sa sinabi niya, ngunit hindi ko inaasahan ay sarkastiko siyang napahagikgik sa nasabi ko. Agad akong napasimangot dahil dito. "Tama naman, 'di ba?"

"Haven't you noticed anything about that Crack?" Dahan-dahan akong umiling sa naging tanong niya. "It's lacking that sh*tty black smoke. An inactive Crack lacks that."

"Huh? Inactive Crack?" Buong pagtataka ko.

"Yes, an inactive Crack. It simply means Visitants can't use it to pass through for a while," pagbibigay alam niya sa akin na agad kong nakuha. Ganoon pala iyon. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay parang tila kampante ang mga kasamahan ko na maglakad sa ganitong klase ng lugar kahit nandyan lang ang panganib ng Crack. Medyo nag-alala rin kasi ako sa Edira, ngunit ngayong nalaman kong wala ang banta ng Crack dahil sa pinaalam sa akin ni Brendz ay siguro pwede na muna akong mapanatag. Sana lang ay manatili itong ganito. "I guess you still don't know much about the Crack, but don't worry. You'll soon learn everything about it once we get to Orthil."

Nabalot kami ng katahimikan matapos ang napag-usapan namin. Ang totoo niyan ay hindi pa kami nakakapag-usap nang ganito ni Brendz. Aaminin kong medyo naiilang ako ngayon. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko. Isa pa'y wala pa rin akong naaalala tungkol sa kanya. Kung totoo man ang sinabi niya sa akin tungkol sa ugnayan naming dalawa, gusto ko siyang makilala ulit.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon