Chapter 22: Rumours and Facts

786 28 52
                                    

Binigay ng isang lalake ang mga papel kay Shion na agad naman nitong tinanggap at nilagay sa ibabaw ng mesa. Prenteng nakasandal naman ang pwetan ni Rake doon sa kabilang gilid ng mesa habang magkakrus ang mga braso. Sumaludo ang lalake kay Shion saka bumulalas.

"Iyan na po ang huling report, sir." Binaba rin naman agad ng lalake ang kamay niya.

"Maraming salamat. Bumalik ka na sa post mo at pakisabi sa iba na magdoble ingat," paalala ni Shion sa kanyang tauhan.

"Masusunod po," sagot nito bago tuluyang umalis at iwan kaming tatlo rito.

Dumiretso si Shion sa kanyang mesa at dismayadong tinignan ang tambak na papeles. "Kaya ayaw kong umaalis para gumawa ng misyon eh. Tambak na naman ako sa trabaho."

Marahang kaming natawa ni Rake sa reklamo nito. Halos mangiyak na ang itsura ni Shion sa dami ng tatrabahuhin niya. Pinagmasdan ko naman ang kanyang opisina. Halos magkapareho lang ang opisina nila ni Rake, pinagkaibahan lang ay wala ito sa Valin Academy. Katabi nito ang kapitolyo na napupuno ng mga gwardya.

"Hanga na talaga ako sa inyong dalawa. Pareho pa kayong may sariling opisina!" Puri ko sa dalawang kasama ko habang pinapalibot pa rin ang tingin sa silid. "Ikaw pala ang Head Captain dito sa Orthil, Shion? Edi ikaw nagpapalakad ng buong siyudad?"

"Hindi!" Umiiling na sabi niya na para bang ayaw na ayaw niya mangyari iyon. "Hindi tulad sa Edira, ang Governor ang namumuno rito. At 'wag mo nang balaking itanong sa akin ang tungkol sa Governor. Mas busy pa 'yon kumpara sa amin."

"Ah, sabi ko nga," tumatango kong saad. Bigla naman ay may pumasok na katanungan sa isip ko. "Teka, 'yung mga gwardya rito, mga Seniors din sila, 'no?" Sinagot niya lang ako ng isang tango saka ko binalingan si Rake. "Ikaw, Rake? Ano nga bang posisyon mo rito?"

"Shadow Ops Officer, part of the Intel Unit and an adviser to the Senior Commander," walang gana niyang sagot na nagpaawang sa bibig ko. Lintek, gahaman si Rake sa posisyon. Naghakot! Sa lahat naman ng sinabi niya ay isa lang ang nangibabaw para sa akin.

"Shadow Ops? Ano naman ang mga 'yan?" Pagtatanong ko sa kanya. "Tsaka ikaw ang boss ni Brendz, 'di ba?"

"Tss. Ang daming tanong," inis niyang reklamo na napakamot pa sa kanyang batok. Napasimangot naman ako dahil doon habang tinawanan lang kami ni Shion.

"Isang special squad ng Seniors dito ang mga Shadow Ops, Ean," pagsagot ni Shion sa tanong ko. Buti pa 'to, hindi suplado. Kaunti na lang talaga bibingo na 'yang si Rake sa akin. Biro lang, baka siya na mismo pumatay sa akin kapag narinig niya 'to. Hindi ako 'yan! "Sabihin na lang natin na ang mga Shadow Ops ang gumagawa ng misyon ma hindi nagagawa ng normal na Seniors lang."

"Astig pala ni Brendz, 'no?" Wika ko kay Shion na masaya niyang tinanguhan.

"Ikaw din naman may opisina. Bakit hindi ka pumunta d'on?" Imik ni Rake na nagpalaki sa mga mata ko. "You're part of the interrogation unit, Ean."

"Oh!? Talaga?" Hindi makapaniwala kong sabi na namimilog pa ang bibig. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Dagdag ko pa. Ang astig pakinggan ng interrogation unit. Tunog mayaman.

Umalis si Rake sa pagkakasandal at hinarap ako na walang ekspresyon ang mukha. "Let's get to business, shall we?"

Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Ayan na naman po ang dakilang suplado. Hindi na naman pinansin ang tanong ko. Lagi na lang ako sinusungitan. Sa pagtingin ko naman kay Shion ay nakangiti ito habang pinagmamasdan kami.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon