Chapter 8: Nightmare

950 50 87
                                    

Nangalumbaba ako sabay nagpakawala ng wagas na hikab. Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng mga mata ko. Bawat kurap ko ay parang gusto na lang manatiling nakapikit nito at matulog na lang. Lintek naman kasi! Inaabot na ako ng antok.

"Meron pa ba?" Nanghihina kong tanong habang pilit na nananatiling gising.

"Yes, a few more questions," sagot naman ng babaeng kausap ko na ikinadismaya ko.

Naiiyak na ako. Naiiyak na ako sa antok at naiiyak na ako sa dami ng tanong niya. Ilang oras na rin naming ginagawa 'to, ngunit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya nauubusan ng mga tanong. Buryong-buryo na ako sa kinauupuan ko kanina pa. Kung pwede lang tumayo na at umalis, ginawa ko na. Kaso hindi pwede. May kailangan pa ako sa babaeng 'to.

"Sabi mo nakarating ka dito nang hindi mo namamalayan? Can you please explain that?"

Agad nawala ang antok ko sa naitanong niya. Hindi ko rin inasahan na magtatanong siya tungkol sa ganitong bagay. Dahan-dahan kong inalis ang mukha ko sa pangangalumbaba at nag-isip. Yumuko ako habang inaalala ko ang nangyari sa akin noong mapadpad ako rito sa Edira.

"Naliligaw ako noon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong direksyon ang magdadala sa akin pauwi. Kaso 'yon nga, masyadong malaki at malawak ang disyerto ng Edira. Kaya ayun tumakbo na lang ako nang tumakbo," litanya ko na pinakinggan niyang mabuti. Pinag-isipan ko pa nga kung sasabihin ko rin ba sa kanya na noong panahon lang din na 'yon ko nalaman na may taglay akong mahika, ngunit hindi ko na rin 'yon sinabi dahil wala namang kinalaman ito sa Edira.

"Tapos sa kakatakbo mo, narating mo ang bayan ng Edira? Tama ba?" Asik ni Moira na tinanguhan ko bilang tugon. "Nice! I'll definitely include this short story in my article," dugtong pa niya habang masayang-masaya sa pagta-type sa screen niya.

Kanina ko pa rin pimagmamasdan ang mahika niya at kulay ng enerhiyang lumalabas sa palad niya. Ibang-iba 'yon kumpara sa akin. At hindi ko rin kayang gawin 'yang ginagawa niya. Medyo naastigan nga ako sa ginagawa niya eh. Parang gusto ko rin gawin 'yon. Kaya naman napaisip ako kung ganoon ba ang pagkakaiba ng mga Senior. May sari-sarili ata talaga kaming kakayahan tulad ng ganito.

"Uhmm.. Moira? Tanong ko lang, saan mo ilalabas 'yang article na ginagawa mo?" Inosente kong tanong habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. "Sa diyaryo ba ng Edira?"

"Hindi, hindi ako nagawa ng article sa diyaryo," umiiling niyang sagot. "I release my article on Cyber."

Kusang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ano kaya ibig sabihin n'on. "Cyber?"

"Oo," maikli niyang tugon at tinignan ako na may pagtataka. "Wait, hindi mo alam?" Unti-unti ko siyang binato ng ngiti bago ako tumango sa tanong niya. "Oh, ok. Then let me explain," panimula niya kaya naman agad akong naghanda sa sasabihin niya. "Only through technology magic can someone access the Cyber. Tulad nitong ginagawa ko, I'm connected to the Cyber with the help of my magic. Sa madaling salita, kaming mga Zoidiac Senior lang ang may access dito and not Magicus Senior na tulad mo. Although pwede rin naman kayo magkaroon ng access dito, pero kailangan niyo ng magically-powered widget that only Zoidiac Senior can create."

Imbis na makakuha ng sagot ay parang lalo ata akong nalito sa paliwanag niya. Technology magic? Zoidiac? Magicus? Widget? Ano ba 'yan!? Mga nakakain ba 'yang mga 'yan? Lintek, wala akong naintindihan.

"I presume na hindi mo naintindihan? Sorry, magulo ata pagkaka-explain ko," paghingi niya ng paumanhin. Oo, alam kong may pagka-slow ako, pero sa tingin ko ay maayos naman ang pagkakalahad niya. Siguro lang ay dahil wala naman akong alam tungkol sa pagiging Senior bukod sa pagkakaroon ng mahika ay naging mahirap intindihin nito para sa akin.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon