Chapter 17: Senior 101

773 33 20
                                    

Panay ang iling ko na may kunot sa aking noo. Ang kaharap ko naman, tulad ng nakasanayan, nakasimangot na naman. "Ayoko! Ayoko! Gusto ko pa mabuhay!"

Umirap siya saka sumagot. "So what do you want? Just let these bandits take over the village?" Puno ng pagkainis ang tono niya nang sabihin niya iyon. Ako naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Lintek naman kasi, hindi biro ang pinapagawa niya sa akin. "They'll kill everyone once they get a hold of every money of the people here. You know that. We don't have a choice, Ean. Those bandits have already taken some of the villagers as hostage. You're the only one who has the biggest chance of saving them with your speed."

"Mahabaging ama, patawarin ka sana, Brendz!" Nangingiyak kong saad habang ramdam ko ang pamamawis ng buo kong katawan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nandito pa rin kami sa loob ng restaurant habang nagkakagulo na sa labas dahil sa mga hinayupak na mga bandidong 'yan. Hindi namin inakalang sobrang dami pala nila. Saglit lang kaming nagdiskusyon tungkol sa gagawin naming hakbang para labanan sila at iligtas ang maliit na bayang ito, ngunit sa muli naming pagsilip sa labas ay nagkalat na ang mga bandido. Saklap pa ay may mga hawak na silang sibilyan doon sa malawak na espasyo sa gitna ng bayan habang nagsisisigaw na bigyan daw sila ng pera. Grabe makapag-utos, eh namamalimos lang naman.

"So what? Are you doing this or not?" Muling tanong sa akin ni Brendz na ikinataranta ako.

Ang plano: ako raw sasagip sa bawat hostage. Eh tae, ang dami nila! Hindi lang din naman ako natatakot para sa aking sarili, kung hindi para na rin sa buhay ng mga hostage. Alam ko na sa oras na may manglaban sa mga bandido ay walang pag-aalinlangan nilang papatayin ang mga sibilyan. Iyon ang inaalala ko. Oo, kaya ko ngang pabilisin ang mga galaw ko gamit ang mahika ko, ngunit sa dami nila ay hindi ko alam kung magiging sapat ito. Pero kung iisipin, hindi ba't mas magiging malala ang mangyayari kung wala lang akong gagawin? Kung tutunganga lang ako?

"Oh god, some of them are raiding the houses already!" Pagbibigay alam sa amin ni Moira na nakasilip sa bintana. Lumingon siya sa amin na bakas na ang pag-aalala. "We're running out of time. Kailangan na nating kumilos."

"Tsk," tanging nagawa ko na lang at kinuyom ang aking mga kamao upang humugot ng lakas ng loob. Sa pagbaling ko kay Brendz ay isang tango ang ginawa ko.

"Good," sabi niya at hindi ko inaasahan ay saglit kong nasilayan ang tipid niyang ngiti saka niya nilapitan ang dalawa pang Seniors na kasama namin at kinausap ang mga ito. Ngumiti si Brendz! Ngumiti! Anak ng tipaklong, lalo akong natakot! Guguho na mundo!

"S-sir Ean?"

"Ay pwet tae ka!" Gulantang kong bulalas nang makarinig ako ng himig mula sa loob ng aking isip. Nagtataka naman akong pinanood nila Brendz at Moira. "Narinig niyo 'yon? May nagsalita! Sino 'yon!?"

"Relax, Ean. It's just him talking directly inside your head," pahayag ng boses ni Brendz sa loob ng aking isip at tinuro ang isa sa mga kasamahan niyang Senior. Kita kong nakalapat ang dalawang daliri nito sa kanyang sentido habang lumalabas ang puting enerhiya sa kanyang ulo. Doon ay unti-unti na akong kumalma. "He has connected our minds so we can converse mentally and think as one, but he can only hold it for a few minutes. Expect information and messages from him inside your head. He'll help us through our fights. So we have to end it before his time runs out."

"P-paano niya 'yon nagawa? Iyon ang mahika niya?" Mangha kong mensahe sa aking isip habang hindi maalis ang tingin sa lalakeng gumawa nito. Ang astig!

"No time to explain, Ean," sagot ni Brendz sabay hatak sa akin papunta sa pinto. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod na lang. Pumuwesto naman si Moira sa likod namin at naghanda. "We'll proceed as planned. Are you ready?"

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon