Chapter 29: The Last and the Cult

655 27 14
                                    

"Is this the place?" Tanong ni Relena nang makatungtong na kami sa maliit na bayan sabay palibot dito ng tingin.

Nagkalat man ang mga tao sa paligid ay hindi naman ganoon karami ang mga tao rito. Hindi man tulad ng mga bahay sa Orthil na malaki't makukulay ay maaliwalas din namang tignan ang mga bahay rito. Napupuno rin ng mga palamuti ang bayan sa tulong ng mga halaman, puno at bulaklak sa paligid. May mga gwardya ring nakaistasyon sa harap na sinalubong kami ng pagsaludo nang makita kami. Binati pa nga ako ng isa sa kanila. Siguro ay nakikilala nila ako.

"It is," imik ni Kouji nang malagpasan na namin ang mga gwardya. "Now what, kuya?"

Bumubuntong hininga kong pinagmamasdan ang paligid saka ko sinagot ang tanong ni Kouji. "Hahanapin natin ang nagbigay sa atin ng sulat."

Umuyam si Kouji at sarkastikong napabungisngis. Naglabas siya ng berdeng enerhiya kasabay ng paglitaw ng holographic screen sa ibabaw ng palad niya. "It won't be easy."

"I can go and ask around to help," pagpepresinta naman ni Relena.

"Huwag na, Relena," agarang pagpigil ni Kouji rito dahilan para bahagyang kumunot ang noo nito. "This is a classified mission. We have to be careful of who we make contact with."

Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Relena. May bahid din ng lungkot sa mga mata niya nang yumuko siya. Sigurado akong nagkakaganyan siya dahil iniisip niyang wala siyang magawa para makatulong sa misyon.

"Let's left Kouji to his search and rescue, ok? We will only standby here and waiter," untag ko sa kanya nang nakangiti para naman mapagaan ang loob niya. Sa ngiting sumilay sa mga labi niya ay sa tingin ko nagawa ko naman 'yon.

"Kuya Ean?"

Ang ngiting suot ko ay naglaho nang parang bula nang may magsalita sa loob ng aking isip. Lalake ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko. Base rin sa pagkausap niya sa akin sa loob ng aking isip ay tiyak kong isang Mysticium Senior 'yon. Napayuko ako't nagpokus para maghintay kung mauulit ang pagtawag niya sa akin. Nakarinig ako ng paghagikgik habang nagpapabaling-baling na ang tingin ko sa paligid malaman lang kung sino ang kumakausap sa akin.

"Kuya? Is everything alright?" Alalang sabi sa akin ni Relena. Pinukulan naman ako ng makahulugang tingin ni Kouji na may parehong tanong sa kanyang mga titig.

"T-teka lang, may kumakausap sa akin," nasabi ko na lang at muling naghanap.

"Ikaw nga, kuya! Tignan mo nga naman oh, makikita pala kita rito!" Galak na sabi ng boses sa loob ng isip ko habang unti-unting nagiging pamilyar ang boses na 'yon, ngunit hindi ko lubusang maalala. Ang alam ko lang ay narinig ko na ang boses niya.

"Who you? Ligo na you, dito na me?" Naguguluhan kong tanong sa loob ng aking isip at doo'y muli kong narinig ang tawa niya. Teka, ang tawang 'yon. Tama, kilala ko siya!

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, kuya," natatawang imik nito.

"Nasaan ka? Bakit ka nandito?" Pagtataka ko. Matagal na siyang nagretiro at nilisan ang Orthil ilang buwan na rin ang nakakalipas. Hindi ko akalaing dito ko pa siya makikita-- este maririnig. Kasi nga nag-uusap lang kami sa isip ko. Isa pa'y nagkakaroon na ako ng kutob na baka siya ang nagbigay ng mensahe sa amin. Mabuti pa ay makita na namin siya.

Biglang may pumasok na mga impormasyon sa isip ko tungkol sa lugar kung nasaan siya. "Sa likod ng isang kainan."

"What?"

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon