Chapter 19: Reminisce

749 31 51
                                    

Hindi ako agad nakapagsalita nang ipakilala ako ni Brendz sa lalakeng kasama niya. Nahagip naman ng mata ko ang matamang pagtingin sa akin ng lalake. May kung ano ang nagsasabi sa akin na matagal ko na nga siyang kilala at marami na kaming napagdaanan. Tulad ng naramdaman ko kina Brendz at mama, ay panatag ako ngayong nakaharap ko na siya.

"H-hi. K-kumusta? If you gonna asking me if I'm ok, I'm pine," bati ko sa kanya dahilan para umuyam siya. Nawala ang ngiti ko dahil doon. Ni hindi man lang niya sinagot ang pangungumusta ko. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil doon.

"Tss. Walang dudang ikaw nga ang kaharap ko," suplado niyang pahayag na palihim kong inismiran. Anak ng-- mukhang may dumagdag ata sa pakikisamahan ko.

"May mga nasabi na sa akin si Brendz tungkol sa'yo," sabi niya at humakbang pa papalapit sa akin saka nagpatuloy. "Wala ka raw maalala?" Napayuko ako sa tinanong niya at tumango. Hindi ko inaasahan ay may mahika akong naramdaman mula sa kanya at sa pagtingin ko'y nasa harapan niya na't naglalabas na ng puting enerhiya ang kanyang mga kamay. "Marami kang gustong malaman, 'di ba? May I?"

Napabaling ako ng tingin kay Brendz na parang nagtatanong ng kung ano ang gagawin ng lalake sa akin, ngunit bago pa niya ako bigyan ng sagot ay pinangunahan na siya ng lalake. "I might be able to bring your memory back. Hayaan mo lang na subukan ko."

"Ibalik ang memorya ko? P-paano?" Hindi makapaniwala kong tugon.

"Rake's a Mysticium Senior. He has the magic to enter your mind and possibily fix it," pahayag ni Brendz. Posible pala 'yon? Lintek naman, nagpapakahirap akong ibalik ang ala-ala ko, eh may mahika palang pwedeng ibalik lahat ng ala-ala ko sa isang iglap lang.

"Huwag kang mag-alala, wala akong balak alamin ang mga nangyari sa nakaraan mo. Tutulungan lang kita makaalala, nothing more," pagpapanatag niya sa akin na tinawanan ko nang marahan.

"Subukan natin," pagpayag ko sa gagawin ni Rake at agad na naghanda sa mangyayari.

Pumikit ako at naramdaman kong nilagay ni Rake ang pareho niyang palad sa ulo ko. Ramdam ko ang init ng enerhiyang pinapakawalan niya roon at kasabay nito ay may mga imaheng lumitaw sa isip ko dahilan para mapakunot ako ng noo. "Relax, Ean." Pagpapakalma niya sa akin. Pilit kong sinunod ang sinabi niya, ngunit habang nagtatagal ay mas dumarami na ang paglitaw ng mga imahe sa isip ko. Mas mabilis na rin itong lumilitaw habang hindi na mapakali ang pag-iisip ko.

"E-ean, teka lang. A-ano'ng-- ungh!" Dinig kong napadaing siya habang tila nadadala na ang pag-iisip ko sa mga nakikita ko. Patuloy na lumilitaw ang mga imahe sa isip ko. Bumibilis pa ito dahilan para makaramdam na ako ng kirot sa aking ulo. Muli ko ring naririnig ang mahihinang ungol ni Rake na umaalingawngaw sa loob ng isip ko. Tila napuno ng napakaraming kaganapan ang pag-iisip ko at doo'y naramdaman ko na ang matinding sakit sa aking ulo.

"Ahh!!!" Sigaw ko at napaatras dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba. Agad akong napasapo sa aking ulo upang paglahuin ang sakit dito.

"Ean, are you ok?" Pag-aalala ng isang babae at kahit hindi ko pa man siya nakikita ay alam kong si Moira 'yon. Unti-unti, habang hinihingal, ay nagmulat ako ng mata at agad kong nakita si Rake na nakatayo sa harapan ko na tila gulat na gulat din sa nangyari.

"W-what happened? Did it work?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Brendz na sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng pag-aalala.

Dismayadong umiling si Rake habang nakatitig sa akin na may malalaim na iniisip. "S-something's blocking. Hindi ko magawang pasukin ang isip niya."

Pinilit kong tumayo habang inaalalayan ako ni Moira kahit pa may sakit pa rin sa aking ulo. "Hu-humaharang? Ano naman ang humaharang sa'yo?"

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon