Chapter 27: Unpredictable Flashback

631 30 10
                                    

Wala ni isa sa grupo namin ang gumagalaw. Pinapakiramdaman lang namin ang magiging unang hakbang ng malaking nilalang sa aming harapan. Tanging sa kanya lang nakatuon ang aming atensyon at ni mag-iwas ng tingin ay hindi namin ginawa. Gayunpaman ay ramdam ko ang katiting na tensyon at takot sa aming grupo.

Kasing bilis ko rin ba ang mga 'to? Aba eh kaninang umaga lang ay nasa kakahuyan pa ng Orthil ang kabayong 'yan, ngayon nandito na?

Hindi lingid sa kaalaman ko na kakaiba nga ang kabayong kaharap namin ngayon. Noong una kong makita ito ay halos hindi na makagalaw si Shion sa pinsalang natanggap niya mula rito. Siya ang may kagagawan ng panghihina ni Shion. Noong ipatama ko rin sa kanya ang buong lakas ko noon sa kakahuyan ay nagulat talaga ako nang ni gasgas o panghihina ay hindi ko nakita sa kanya. Ramdam ko rin ang kakaibang lakas na nagmumula rito. Mahirap mang tanggapin, alam kong mahihirapan kaming patumbahin ito.

"Mauna na kayo sa taas. Ako na ang bahala rito." Agad akong napatingin sa gawi ni Shion sa nasabi niya gamit ang earpiece.

Pinindot ko ang nasa tainga ko bago ko siya sinagot. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang nagawa niyan sa'yo, 'tol? Hindi mo kaya mag-isa ang kabayong 'yan."

"I agree with Ean. Tsaka hindi tayo dapat maghiwalay. We need each other," pagsuporta naman ni Moira sa desisyon ko.

"Alam ko. Pero isipin niyo na lang ang misyon. Makakaya ko kayong bigyan ng sapat na oras para marating ang tuktok ng tower," sagot niya naman na nagpasalubong sa mga kilay ko. Wala na ata talaga sa katinuan 'to. Sa tingin niya ba magagawa kong mang-iwan ng kaibigan? Hindi ako gan'on. Siya lang naman ang ganoon sa huli naming misyon. Hala, nanumbat na. Hindi ako 'yan!

"Shion's right. Let's not forget the priority of this mission. And that's to seal the Crack as soon as possible," pagsang-ayon ni Brendz dahilan para mapahilamos ako sa aking mukha. Pati ba naman siya? Akmang tututol na ako nang pangunahan niya ako. "Save it, Ean. Trust Shion with this one."

Sa nasabi ni Brendz ay napalingon ako kay Shion. Nakangiti siyang tumango na para bang pinaparating sa akin na sumunod na lang sa nasabi ni Brendz. Gustuhin ko mang ipaglaban ang panig ko ay kita ko sa mukha niya na buo na ang kanyang desisyon. Doon ay alam kong wala na akong magagawa. Mukhang kailangan ko na nga lang magtiwala sa kanya sa pagkakataong 'to.

Muli kong binalik ang tingin ko sa kabayong kaharap ng buong grupo bago ko sila kinausap. "Eh ano'ng plano?"

"Plano?" Natatawang pag-ulit ni Shion sa nasabi ko at tinabihan na ako habang naghahanda. "Sa bilis mong 'yan, wala nang plano plano. Takbo na!"

Tila nagkaroon ng sariling mga buhay ang mga paa ko nang sumigaw si Shion at nagsimulang tumakbo. Naalarma naman ang kabayo sa ginawa ko at dinig kong humalinghing ito nang marating ko na ang lift. Taranta kong hinanap ang buton na magbubukas sa rehas na nakaharang dito. Hindi naman nagtagal ay nakita ko sa gilid nito iyon at sa pagpindot ko rito ay agad naghiwalay ang harang.

Nakaramdam ako ng malakas na pwersa sa aking likuran dahilan para mapalingon ako. Laking gulat ko nang matunghayan ko ang pagtilapon ng kabayo sa malakas na suntok na pinakawalan ni Shion at kumaladkad ito sa batong sahig. "Samahan niyo na si Ean, bilis!"

Dali-dali namang tumakbo ang dalawang babaeng kasama namin habang nauna na ako sa loob ng lift. Naunang nakasunod si Moira sa loob, ngunit nang akmang susunod na rin si Brendz sa amin ay pumagitna sa amin ang pagkislap ng kuryente na maagap namang nailagan ni Brendz.

"Brendz-- Ugh!" Daing ni Shion nang humagis siya nang isang malakas na paghampas ng hangin ang tumama sa kanya. Una kuryente, ngayon hangin? Gaano ba kalakas ang nilalang na 'yon?

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon