Chapter 9: What Lies Beneath

1K 38 80
                                    

"Maayos na po naming nagawa ang pinag-utos niyo, sir," pagbibigay alam ng isang gwardya sa Head Captain habang nakasaludo ito sa harap niya. Nanatili naman kami ni Moira sa gilid habang tahimik na nakikinig sa kanila. Pareho kami ni Moira na nandito sa opisina ng Head Captain dahil pinatawag daw niya kami matapos ang nangyari.

"Ang mga Upsector, Kumusta na ang mga lagay nila?" Asik naman ng Head Captain dito habang inaayos niya ang mga papeles na nakapatong sa mesa.

"Napakalma na po namin ang ilan matapos ang nangyari. Bakas pa rin po ang takot sa iba, ngunit sa ngayon ay ligtas na namin silang naiuwi sa kani-kanilang tahanan."

"At ang mga nabiktima?" Kasunod na tanong ng Head Captain.

"Nasa infirmary na po ang mga sugatan at kasalukuyan nang ginagamot. Ang mga nasawi naman po ay nasa loob ng espesyal na tent," sagot ng gwardya at nahagip ko ang pagsalubong ng mga kilay ng Head Captain. "Saktong labing-apat po ang mga nasawi."

Tila may kung anong karayom ang tumusok sa dibdib ko nang marinig ko 'yon. Sabay kaming nagkatinginan ni Moira na may parehong nag-aalalang mukha. Agad din naman akong napaiwas ng tingin sa pagyuko ko.

Sinubukan ko ang lahat ng pwede kong gawin upang maiwasan ito, ngunit sa huli ay ganoon pa ring karami ang mga naging biktima ng nangyari kanina. Hindi naman din kasi biro ang biglaang pag-atakeng 'yon. Gulat na gulat ang lahat. Alam kong maging ang mga gwardya ay nabigla rin at hindi naging ganoon kahanda dahil na rin siguro sa bilis ng pangyayari.

"Maraming salamat. Maaari ka nang makaalis," wika ng Head Captain. Muling sumaludo sa kanya ang gwardya bilang tugon at dali-dali nang lumabas. Tumayo ang Head Captain sa kinauupuan niya na nakahawak sa kanyang dibdib at tila may iniinda. Agad kaming nag-alala ni Moira dahil dito.

"A-are you ok?" Alalang sambit ni Moira na akmang lalapit na sa kanya ngunit agad kinumpas ng Head Captain ang kanyang kamay upang pigilan siya.

"Hindi ko akalaing may isa pa palang Senior ang nakarating dito sa Edira," pansin nito kay Moira at natahimik naman siya dahil dito. "Gayunpaman ay pinatawag ko kayo dito para personal na magpasalamat sa pagtulong niyo na madepensahan ang bayan," pasasalamat nito habang humahakbang na papalapit sa amin. "Lalo na sa'yo, Ean. Pinaalam sa akin ng mga tao ko na marami sa kanila ang iyong nailigtas. Utang ko at ng mga gwardya ko ang nagawa mo para sa kanila."

"Huwag niyo nang isipin 'yon," pagsasantabi ko sa nasabi niya dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyari. "Pero ano ba'ng nangyari? Hindi naman ako namamalikmata na suot ng mga nakalaban namin ang uniporme ng mga gwardya rito. Bakit nila aatakihin ang Edira?"

"Tama ka ng napansin. Mga tauhan ko rin sila," pagkukumpirma niya at naghintay pa ako ng susunod niyang sasabihin. Bumuntong hininga siya bago siya nagpatuloy. "Higit isang linggo na rin simula noong binigyan ko sila ng utos na mag-imbestiga sa labas ng Edira, ngunit wala akong natanggap na kahit anong report mula sa kanila. Matagal ko nang ikinakatakot na baka may nangyari nang masama. Pero sa nangyari-- walang duda na sila nga ang mga inatasan kong mag-imbestiga tungkol sa usap-usapang paglitaw ng Crack sa disyerto ng Edira."

Bahagya akong nagulat sa huli niyang nabanggit. "Alam mo ang tungkol dito?" Pagkukuwestyon ko sa kanya. Binanggit niya ang Crack na para bang alam na alam niya na ang tungkol dito. Samantalang ako ay agad na nagtanong kay Moira nang sabihin niya ang tungkol dito.

"Sana maintindihan mo ako, Ean, pero kinailangan kong itago ito at panatilihing lihim sa bayan. Iniiwas ko lang sila sa posibilidad na baka lamunin sila ng takot kapag nalaman nila ang tungkol sa Crack," paliwanag nito na saglit kong ikinagalit, ngunit wala na rin akong nagawa kung hindi intindihin na lang siya. Matapos kong matunghayan ang nangyari kanina sa mga Upsector ay nakuha ko ang pinupunto niya.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon