Chapter 11: Perdition

872 36 46
                                    

Kumakaripas ako ng takbo na may punong-puno ng tensyon sa aking dibdib. May kung ano akong nararamdaman na hindi ako mapakali. May kung anong takot ang umuusbong sa akin matapos makita ng mismong mga mata ko ang mga Crack mula sa monitors.

"Ang Crack ba ang may kagagawan ng malakas na pagsabog na narinig natin kanina?" Asik ko na puno pa rin ng takot.

"Hindi ko alam, Ean. Small Cracks can't make such big explosion," nababahalang sagot ni Moira habang sinasabayan ang takbo namin ni Cap. "I-I never thought that it would appear here that fast. Kahapon lang ay may umatake rito. And now this!?"

"Hindi ito ang tamang oras para isipin pa ang mga bagay na iyan! Sa ngayon ay kailangan na muna nating umaksyon!" Maawtoridad na sabi ni Cap. Kakaiba ang tono ng pananalita niya ngayon. Kailan ko lang siya nakilala pero ni minsan ay hindi ko pa siya narinig na gamitin ang ganoong boses sa akin. Doon pa lang ay dama ko nang maging siya ay nadadala na rin sa sitwasyon.

Sa paglabas namin ng gusaling tinitigilan namin kanina ay kusa akong napatingala at halos mapabalikwas sa aking posisyon sa aming nakita.

Sa paglabas namin ng gusaling tinitigilan namin kanina ay kusa akong napatingala at halos mapabalikwas sa aking posisyon sa aming nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula sa madilim na kalangitan ay kitang-kita ko kung gaano kalaki ang Crack doon. Sa laki nito ay halos matakpan na nito ang dating mabituing kalangitan ng Edira. Tila winakwak ng isang higante ang kalangitan at iyon ang naiwan nitong sugat. Pakiramdam ko pa nga ay lalamunin nito kami nang buo. Nag-umpisang manginig ang katawan ko sa nakikita ko.

"A h-huge Crack in the sky here in Caidel too!?" Nanginginig na banggit ni Moira. Mula sa kawalan ay naalala ko ang nabanggit niya sa akin kung saan unang lumitaw ang Crack na halos takpan na nito ang kalangitan. Sa sinabi niya ay marahil ganito rin kalaki iyon.

"Ang Edira..." imik naman ni Cap na nahimigan ko ng takot. Kasalukuyan siyang nakatingala at tila naistatwa na sa kanyang posisyon. Kitang-kita ko sa kanya ang sindak sa inaakto niya.

Bigla ay naalala ko ang Downsector. Lalo na sila ate Vivith at Dylan. Sa takot ko para sa kaligtasan nila ay muli akong kumaripas ng takbo upang puntahan sila.

"Ean!" Tawag sa akin ni Moira na hindi ko na nagawa pang pansinin. Maging ako ay nilamon na rin ng pag-aalala. Ramdam ko na ang paglabas ng malalapot na pawis sa aking noo. Wala nang iba pang naglalaro sa isip ko kung hindi sila ate Vivith at Dylan.

Sa gitna ng pagtakbo ko ay dahan-dahan akong napapahinto nang may isang pigura akong nakita sa gitna ng daan. Kung susuriin ay para itong taong nakabalot sa sira-sira't itim na tela, ngunit sa pagbaba ko ng tingin ay kitang-kita ko kung paano ito lumulutang-- kung paano lumalabas mula rito ang itim na usok. Hanggang sa naisip ko na tumugma lahat ng nakikita ko sa kanya sa paglalarawan ni Moira ng isang Visitant.

 Hanggang sa naisip ko na tumugma lahat ng nakikita ko sa kanya sa paglalarawan ni Moira ng isang Visitant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon