Chapter 21: The Origin

757 33 73
                                    

*3rd Person POV

Kakalabas lang ng grupo nila Ean sa elevator at kasalukuyan nang binabagtas ang isang pasilyo. Nauunang maglakad si Rake na sinusundan naman ni Ean. Sa likod naman nila ay ang dalawang babaeng sina Moira at Brendz. Wala ni isa sa kanila ang umiimik.

Habang naglalakad ay nakayuko lang si Ean habang binabagabag siya ng nangyari kanina. Sa isip niya ay hindi mawala ang nakakapanindig balahibong panglalaban niya sa Visitant na sumubok na sapian siya. Noong mangyari iyon, akala niya ay tuluyan na siyang lalamunin ng kadilimang dulot ng Visitant, ngunit sa kabutihang palad ay nagawa niya itong labanan.

Huminto si Rake sa harap ng metal na pinto dahilan para tumigil din ang kanyang mga kasama. Hinarap niya si Ean saka nagsalita. "Nandito na tayo sa laboratory. Handa ka na ba?"

Tipid na napatango lang si Ean na animo'y wala sa kanyang sarili. Dumagdag pa kasi sa isipin niya ang nagawa niya kanina sa Crack. Hindi niya lubos maisip na magagawa niyang burahin ito.

"Brendz, Moira, dito na lang muna kayo. Papasok na kami ni Ean," baling naman niya sa mga ito na tinanguhan lang ni Brendz.

Bumukas ang pinto at doo'y agad pumasok ang dalawang lalake. Alalang pinagmasdan naman ni Moira ang likod ni Ean hanggang sa hindi niya na ito nasilayan sa muling pagsara ng pinto. Naiwan sila Moira at Brendz sa tahimik na pasilyo. Sa pagtingin ni Brendz sa kasama niya ay doon siya nakakuha ng tiyansa para tanungin ito.

"You suddenly came and asked Ean to hit the Crack with his magic," diretsang wika ni Brendz na hindi man lang nakatingin sa kanyang kausap. Marahan naman siyang nilingon ni Moira sabay ayos ng kanyang salamin. "Do you know something?"

Yumuko si Moira bago ito nagsalita. "When the Crack appeared in Edira, Ean went berserk and made a wide thunderstorm," panimula ni Moira saka nagtungo sa kalapit na bangko at umupo doon. Hinarap naman siya ni Brendz nang magkakrus ang mga braso at naghintay ng susunod nitong sasabihin. "Hindi ko nakita ang buong nangyari when that happened. Masyadong napuno ng mga pagkidlat ang buong Edira para mapansin ko pa ang paligid. But right after Ean collapsed, nagulat na lang ako nang nawala na rin ang iba pang mga Crack."

"I told Ean that I'll be conducting interviews for my article para hindi niya ako samahan ngayong araw. I lied," pagpapatuloy ni Moira. "Nag-research ako tungkol sa nagawa ni Ean. When I learned about Rake's newfound method of sealing the Crack, nagkaroon na ako ng masamang kutob. Kailangan daw magtulungan ng mga maraming Mysticium Seniors to release a huge amount of spirit magic to seal it. Ean's a Magicus Senior, so he can't possibly use spirit magic. So I told myself na baka nagkataon lang na nawala ang Crack matapos ang thunderstorm niya, but then, masyado atang naging coincidental ang nangyari noon sa Edira para ipagsawalang bahala ko ito."

Naningkit ang mga mata ni Brendz sa kanyang mga narinig at bumuo ng konklusyon. "So you're still not so sure yourself. You did that to confirm your research." Marahang tumango si Moira sa nasabi ni Brendz. Napabuntong hininga naman si Brendz at nabagabag na rin sa sitwasyon ng dating trainer. Naupo siya sa tabi ni Moira at nag-isip. "First, he lost his memory. And now he can use spirit magic. Why do I have a sh*tty feeling that his last mission has something to do with this."

Sumandal si Brendz at tumingin sa kawalan. "I f*cking hate it when I feel like sh*t. 'Cause usually, I'm right."

Sabay na nagkatinginan ang mga dalaga na parehong nag-aalala sa kanilang kaibigan, ngunit sa ngayon ay wala silang ibang magagawa kung hindi ang maghintay. Pareho silang umaasa na sa paglabas nila Ean sa laboratory ay masasagot na ang kanilang mga katanungan.

*****

*Ean

"Good day, sir Rake and sir Ean," salubong sa amin ng isang lalake na nakasuot ng puting lab coat. Sandali lang akong napatingin sa kanya at agad nang nakuha ng paligid ang atensyon ko dahilan para maglaho lahat ng bumabagabag sa akin.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon