Chapter 18: Home At Last

802 38 42
                                    

*Ean

Nalaglag ang panga ko sa tanawing bumungad sa akin. Tulad ng mga natanaw ko kanina bago makarating dito ay nakita ko ang mga gusaling may iba't ibang laki at kulay. Buong akala ko ay sa paligid lang ng siyudad na ito maraming puno, ngunit maging dito pala sa loob ay marami rin, ngunit hindi ko inaasahan na pinapaligiran pa pala ito ng mga berdeng-berdeng damo at makukulay na bulaklak. May ilang mga paru-paro rin ang lumilipad sa paligid nito na mas nagbigay buhay sa tanawin.

Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang makinis na batong daan na may nakaukit na disenyo pa sa mga dulo nito. Ibang-iba ang sahig dito kumpara sa buhanginan ng Edira. Napakaaliwalas nitong tignan. Napakasarap sa matang tignan. Mula sa kaliit-liitang detalye tungkol sa lugar na ito ay napansin ko. At grabe, napakaganda't lawak pala talagang lugar ng siyudad ng Orthil.

"Dito ba talaga ako nakatira? Paraiso ata 'to eh!" Mangha kong sabi habang pinapalibot ang tingin.

Marahang tumawa naman si Moira na nakatayo sa kaliwa ko. "Ganito talaga ang Orthil. Sa kabila ng lahat, napapanatili pa rin nilang maganda ito. What's the use of calling it as the largest and richest city in the whole Lakserf if they can't maintain its beauty?"

"What a f*cking loud bunch," reklamo ni Brendz na tumabi na pala sa akin mula sa kabilang gawi. Kung hindi ako nagkakamali ay tinutukoy niya ang mga nagsasayang mga gwardyang sumalubong sa amin.

Sa nabanggit niya ay nabaling ang atensyon ko sa mga gwardya ng Orthil. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang labis na tuwa. Ang iba pa nga sa kanila ay nagtatatalon pa. Napangiti ako d'on. Hindi ko lang akalain na magiging ganito sila kasaya sa pagbabalik ko.

"Welcome back, sir Ean!" Puno ng galak na sabi ng isa sa mga gwardya. "Sir, kung alam niyo lang kung gaano kami kasaya sa pagbabalik niyo."

"Ah-- eh-- salamat," nasabi ko na lang.

"Buti po ay nakabalik kayo nang maayos. Nitong mga nakaraang araw po kasi ay naging sunod-sunod na ang paglitaw ng Crack sa kagubatan," sabat naman ng isa sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Brendz saka siya umirap para sagutin ito. "We encountered those, but we managed to sneak our way around."

Bumuntong hininga na lang ako sa nasabi niya na parang nabunutan ng tinik. Tama ang nasabi ni Brendz, mula noong umalis kami sa bayang tinigilan namin ay napakaraming Crack ang nasalubong namin. Halos mawala nga lagi ang puso ko sa tuwing tahimik kaming umiiwas sa mga nakikita naming Crack sa daan. Karamihan pa sa Crack dito ay mga active. Iba pa rin talaga ang epekto sa akin ng usok na nagmumula roon. Nakakapangilabot.

May ilang mga bagay pang tinanong si Brendz sa mga gwardya rito. Kumuha lang siya ng mga balita tungkol sa Orthil sa mga araw na nawala siya habang tahimik naman akong nakikinig sa kanila at paminsan-minsan ay pinupuri pa rin ang tanawin. Ayon naman sa kanila ay ganoon pa rin daw ang Orthil. Nakaalarma pa rin daw ang lahat dahil sa banta ng Crack. Nababalot pa rin daw ng takot ang lahat, ngunit nang kumalat daw ang balitang magbabalik na ako mula sa kalapit na bayan ay maraming nabuhayan ng loob.

Kunot noong pinagmasdan ni Brendz ang kalangitan dito sa Orthil. "What happened to the inactive Cracks? Aren't they suppose to be here?"

"Ah, iyon po ba? Noong nakaraang araw lang po ay nagkaroon na ng paraan para i-seal ang mga Crack," sagot ng gwardya na ikinabigla naming tatlo. Puno ng kuryosidad kaming humarap sa gwardya upang maliwanagan.

"So what has to be done?" Pagtatanong ni Brendz.

"Kailangan lang daw po ng tulungang pwersa at mahika ng mga Mysticium Seniors para gamitin ang kanilang spirit magic. Iyon nga lang po ay hindi nila ito nagagawa nang ganoong kadali dahil minsan po ay inaabot sila ng ilang minuto depende sa lakas at laki ng Crack," paliwanag niya habang taimtim kaming nakikinig. "Kaya naman hindi pa rin po tayo nakakagawa ng hakbang para i-seal ang Crack na iyan."

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon