Chapter 7: Glint of Hope

1.1K 36 41
                                    

"Pagkabilang kong sampu na--" napahinto ako sa sasabihin ko nang mag-alangan ako na baka magkamali ako ng bilang. "Hanggang tatlo na lang pala," nasabi ko na lang na swak pa rin sa tono. "Isa. Dalawa. Tatlo!"

Agad akong umalis sa harap ng puno at lumingon sa likod. Pinalibot ko ang mga mata upang mag-umpisa nang maghanap. Naging mahirap sa akin ang paghahanap dahil na rin sa dami ng taong naglalakad sa Downsector. Hindi ko rin alam kung saan ako masisimulang maghanap. Napakamot ako ng ulo habang nag-iisip ng dapat kong gawin.

"Save!" Hiyaw ng bata mula sa aking likuran na ikinagulat ko. Kusa akong napasimangot sa bilis ng pangyayari.

"Napakabilis naman! Saan ka ba nagtago?" Kamot ulo kong reklamo. Kasi naman ako na naman ang taya nito. Sawang-sawa na kaya ako pumikit at magbilang. Puro 'yon na lang ang ginawa ko simula nang maglaro kami.

"Sa likod po ng puno kung saan kayo nagbilang," malapad ang ngiti niya nang sabihin niya 'yon. Lalo akong sumimangot dahil doon.

"Ang daya mo naman, Dylan! Ayaw ko na nga!" Pagsuko ko na lang. Nakakapikon na rin kasi. Ako 'tong mas nakakatanda, ako pa laging nauutakan. Nakakahiya na.

"Ibang laro na lang, kuya!" Buong sigla niyang yaya habang ako naman ay parang lantang gulay na sa pagod. Pinili kong maupo sa isang malapit na bangko bago siya sinagot.

"Ano namang laro?" Pagtatanong ko. "Tapos ako na naman taya. Lagi na lang ako."

"Gan'on po talaga, kuya. Kayo po kasi, ang weak niyo," inosente niyang sabi na wala na lang akong nagawa kung hindi ang matahimik. Bata pa ba talaga 'tong si Dylan o matanda na talaga na nakulong lang sa katawan ng bata? Tindi makapagsalita eh.

"Ean! Dylan!" Sabay kaming napalingon ni Dylan sa pagtawag sa amin. "Halika na't kumain."

"Oh, tara na. Tinatawag na tayo ni ate," pag-aya ko kay Dylan na agad niya namang sinunod. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad tungo sa makapal na tao ng Downsector na muling magsasalo sa pagkain.

"Kuya, may tanong po ako," asik ni Dylan habang naglalakad kami na kinakunot ng noo ko. "Bakit hindi niyo po ginagamit 'yung magic niyo kapag naglalaro tayo? Hindi po ba mabilis kayong tumakbo?"

Bahagya akong napabungisngis sa inosente niyang tanong at napangiti sabay gulo ng kanyang buhok. Binabawi ko na ang sinabi ko. Bata ngang talaga 'tong si Dylan. "Hindi 'yon gan'on kadali, Dylan. Kasi hindi ko naman dapat basta-basta lang ginagamit ang mahika ko," paliwanag ko sa kanya habang nakatingala siya sa akin at mataman na nakikinig. "May kaakibat na responsibilidad ang lakas. Basta maiintindihan mo 'yon paglaki mo." Wow! Saan ko nakuha 'yang responsibilidad na 'yan? Hindi ako 'yan!

"Oh, maupo na kayo," salubong sa amin ni ate Vivith nang makalapit na kami. Binati rin kami ng ilang Downsector na nginitian ko lang. Sa magkabilang gilid ni ate kami naupo ni Dylan. Agad namang inasikaso ni ate si Dylan at pinunasan ng pawis. "Ang tagal niyo naglaro ng kuya Ean mo ah. Mukhang enjoy na enjoy ka kanina."

"Siyempre naman po! Ang dami rin po naming nilaro. Habulan po tsaka taguan. Tapos si kuya po laging taya," masayang pagkukuwento ni Dylan sa nanay niya na napaismid na lang ako sa huli niyang sinabi. Si ate Vivith naman ay natawa. "Ay tsaka po naglaro kami ng luksong Cowell."

Agad nahinto sa pagtawa dahil sa gulat si ate Vivith. Natawa rin ang ilang Downsector na nakarinig kay Dylan. "Luksong Cowell?" Pagtataka niya at agad naglipat ng tingin sa akin habang unti-unting namumuo ang nakakalokong ngiti sa akin.

"Nasaan na nga ba ang Cowell na 'yon?" Natatawang sabi ng isang lalake.

"Nako, malamang ay ayaw na naman niya makisalo sa atin. Kilala niyo naman iyon, hindi raw niya tayo kalebel," sagot naman sa kanya ng isa naming kasamahan.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon