Chapter 23: When The Danger Expands, Bonds Falter

826 33 44
                                    

"Move! Get the f*ck out of my way!" Paghahawi ni Brendz sa mga humaharang sa kanya habang mabilis na tumatakbo. Nang makalapit sa isang grupo ng Seniors ay dali-dali siyang umakyat sa balikat ng isang lalake at pinulupot ang binti niya sa leeg nito. Pumaikot siya at binalibag ito dahilan para malakas na humampas ang mukha nito sa sahig.

"Tss. Wala talagang sinanto," pahayag ng katabi kong si Rake. Lumingon naman siya sa babaeng nasa kabilang gawi ko at kinausap. "Sasama na ako sa laban. Ikaw na muna bahala kay Ean, Moira."

"Roger that," maikling tugon ni Moira sabay kalabit ng mga baril niya upang patamaan ang pasugod na Visitant.

Habang patuloy kong kinukumpas ang mga kamay ko para mag-ipon ng marami't malakas na mahika ay natunghayan ko ang laban ng mga kasamahan ko. Nagkalat ang mga Seniors sa buong siyudad tulad ng pagkalat ng Visitants at maliliit na Crack. Lahat sila ay may sari-sariling laban. Lahat sila ay binibigay ang lahat upang protektahan ang Orthil.

Kita kong sinuntok ni Brendz sa tagiliran ang nasanibang Senior saka niya ito tinuhuran sa mukha. Patuloy namang nagbabato ng mga bola ng purong enerhiya si Rake sa mga Visitant. Si Shion naman na malapit sa akin ay nagbuhat ng malaking bato. Inasinta niya ang mga nagliliparang Visitant. Binato niya ang buhat niya na parang isang sibat na siyang naging dahilan para sunod-sunod na maglaho ang Visitant nang tumama ang atake niya.

"Rake!" Hiyaw ni Shion saka tinuro ang pinalipad niyang bato na mukhang babagsak sa mga bahay dito sa siyudad. Base sa mukha ni Rake ay agad siyang nairita nang makita ito, gayunpaman ay mabilis siyang kumilos. Naglaho si Rake sa puting enerhiya at lumitaw sa ibabaw ng binato ni Shion. Sa muli niyang pag-teleport ay lumitaw siya malapit sa amin habang nakatungtong pa rin doon sa bato.

"Sa susunod na may ibato ka pa, hahayaan na kita para sambutin 'yon, tss," inis na inis niyang pangangaral kay Shion sabay lundag upang makatungtong na dito sa lupa. Binato lang siya ng tipid na ngiti ni Shion saka sila sabay na sumugod sa halos hindi mabilang na Visitants.

Umalingawngaw naman ang mga pagputok ng baril sa tabi ko at kita kong sunod-sunod na naglaho ang mga Visitant na patungo sana sa amin. "Is it still not ready? Ang mga Visitants, they're starting to overwhelm us," nahihirapang tugon ni Moira.

"Saglit na lang," sagot ko naman habang patuloy na pinapalakas ang mahika ko.

Bigla ay mula sa posisyon ko ay nakita ko ang malakas na pagkulog at kidlat sa isang direksyon dahilan para makuha nito ang atensyon ko. "A-ang lakas ng kidlat na 'yon ah. Sino kaya ang--"

"Ean!" Tarantang hiyaw ni Moira nang mamataan niya ang isang nasapiang Senior na mabilis na tumatakbo tungo sa akin. Nakahanda na itong ipatama sa akin ang kamao niyang nababalot ng apoy nang bigla na lang itong napayuko sa tuhod ni Brendz na pumigil sa kanyang sikmura. Hindi na siya binigyan ng pagkakataong makatayo muli at pinatama naman niya ang kanyang siko sa mukha nito dahilan para bumagsak ito nang walang malay.

"Thought you might need another pair of hands," hinihingal nitong tugon. Kitang-kita ko sa mukha niya ang kapaguran dahil sa laban. Tagaktak na rin ang pawis niya. Hindi ko naman siya masisisi gayong napanood ko kung gaano karami na ang mga napatumba niyang nasanibang Seniors.

"Maraming salamat, Brendz," pasasalamat ko sa kanya.

Sabay napabalikwas ang mga babaeng katabi ko nang muling kumidlat sa parehong direksyon kung saan ko 'yon nakita kanina. "That wasn't you, Ean, right?" Tanong ni Moira.

Umiling ako bago sumagot. "Hindi ko pa pinapakawalan ang mahika ko."

"That seemed like the direction of your house," imik naman ni Brendz. "It's probably tita Iyanna."

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon