Chapter 4: Red Omen

1.2K 50 50
                                    

Papalapait na nang papalapit ang gwardya sa akin, pero tila nakapako na ang mga paa ko sa aking posisyon. Dahan-dahan siyang lumalapit habang wala akong magawa kung hindi ang pagmasdan lang siya. Nalintekan na, mukhang mahuhuli na ako.

Bakit nga ba siya nandito? Sa pagkakaalam ko ay malayo-layong lakarin pa ang Edira para mapadpad siya rito. Hindi naman siguro aabot dito ang pagronda nila. Hindi kaya may nakahuli sa akin kanina? O hindi kaya ay may nakabuntot sa akin? Pero imposible! Wala naman akong naramdamang sumusunod sa akin kanina. Panay na rin ang pasok sa isip ko ng mga imaheng maaari kong kahinatnan sa oras na mahuli ako. Para sa aking sarili ay hindi ako natatakot. Tatanggapin ko ang kahit anong parusang ibigay nila sa akin, ngunit sa maaari nilang gawin sa iba pang Downsector, kina ate Vivith at Dylan dahil sa nagawa kong paglabag ng batas-- iyon ang kinakabahala ko.

Nang ilang hakbang na lang ang namamagitan sa amin ay huminto na ang gwardya sa paglalakad. Sa lapit namin ay napagmasdan ko siya nang maigi. Kusang nagsalubong ang kilay ko sa itsura ng suot niya. May mga sira na ang ilang parte ng bakal na suot niya at ang tela naman ay may mga punit na. Napansin ko rin ang kaitiman at dumi sa uniporme niya.

"A-ayos lang po ba kayo?" Pagtatanong ko dahil base sa itsura niya ngayon ay mukhang may napagdaanan na siya. Hindi iyon tulad ng mga makikintab at malinis na suot ng mga gwardya sa Edira, ngunit nanatili siyang tahimik at nakatayo sa harapan ko. "B-bossing, pasensya na kayo. Hayaan niyo akong m-magpaliwanag," dugtong ko pa upang pangunahan ang maaari niyang gawin.

Sa muling pagkakataon ay hindi siya nagsalita. Kahit imik o katiting na reaksyon sa mga nasabi ko ay wala akong nakuha mula sa kanya. Doon ako nagsimulang mawirdohan. Hindi ganito ang mga gwardya ng Edira. Kung sa iba 'yan ay kumilos na 'yan para hulihin ako. Sa mga napapansin ko ay nagkaroon na ako ng masamang kutob.

"Boss?" Muli kong pagbasag ng katahimikan, ngunit tulad ng dati ay hindi ito sumagot.

Hindi ko inaasahan ay bigla akong napahakbang paatras nang kunin niya ang ispada sa bandang tagiliran niya at tinutok iyon sa akin. "T-teka lang, boss! 'Wag naman ganito!" Pagpigil ko rito habang nasa harapan ko ang pareho kong kamay. "Kung huhulihin niyo ako, hulihin niyo na ako. Hindi ako lalaban."

Imbis na sumagot ay hinawakan niya pa nang parehong kamay ang ispada na tila paghahanda. Napahakbang ulit ako paatras sa inasta niya. "Boss naman!"

Walang anu-ano'y sumugod ito sa akin nang nakamuwestra ang ispadang saksakin ako. Mabilis akong nakatakbo sa gilid upang ilagan 'yon at nilingon ito para muling kausapin. "Tama na 'yan, boss!" Winasiwas niya ulit ang ispada na nagawa ko namang ilagan sa pagyuko. Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang galaw at agad na akong lumayo.

"Utang na loob naman! Susuko na nga ako, 'di ba? Bakit kailangan pa umabot sa ganito!" Hindi ko na napigilan ay napasigaw na ako sa inis. Lalo naman akong nabanas nang hindi na naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya, sa halip ay nanatili na naman siyang hindi kumikilos sa kinatatayuan niya. "Ano'ng nangyari sa mga gwardya ng Edira na puro satsat? Sumagot ka!" Paghahamon ko rito dahil alam kong sa ginawa ko ay hindi na 'yan makakapagpigil.

Inabangan ko ang magiging sagot niya, ngunit ilang sandali pa akong naghintay ay wala pa rin akong nakuha. Mas lalong lumalim ang masamang kutob ko sa inaasal ng gwardyang 'to. Hindi ang inaasahan ko't pangkaraniwang asta ng gwardya ang ikinikilos niya. Alam kong may mali na sa kanya, ngunit hindi ko naman iyon masiguro. Dagdag mo pa ang helmet na tumatakip sa mukha niya.

Hanggang sa makarinig na ako ng mahinang boses mula sa kanya. May kung anong kilabot akong naramdaman nang isang malalim at garalgal na ungol ang tinig na narinig ko. "Ah-- ah..." naimik ko na lang sa kakaibang pakiramdam na dinulot niya sa akin. "Boss?"

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon