Chapter 26: Breach In

730 33 7
                                    

"Upon discovering that there's a tower in Princeton which happens to be the closest to the largest Crack, I concluded that MG might be headed there," paliwanag ni Moira habang palapit kami sa gitna ng malawak na System's Core Hall.

"Julia's Tower," bulong naman ni Rake. "Balita ko ay matagal na itong abandunado matapos lumitaw ng Crack. Still, it's worth the bet. Ito pa lang ang pinanghahawakan nating impormasyon," dagdag pa niya saka binaling ang tingin kay Char na kasalukuyang inaasikaso ang pinagmamalaki niyang widget. "Madadala ba ng telechamber sila Ean sa saktong coordinates ng tower?"

"I'm currently coding it in," mabilis na sagot ni Char habang sunod-sunod na may pinipindot sa screen sa tabi ng chamber.

May apat na tila haligi sa bawat kanto ng pabilog na chamber at sa sahig nito ay kita ko ang maaliwalas na kulay berdeng ilaw dito. Sa mga gilid ng chamber ay may malalaking kurdon na kumokonekta sa screen na kaharap ni Char at ang iba naman ay sa mga makina sa likod nito. Ito ang sinasabi sa amin ni Char kanina, ang telechamber.

Huminga ako nang malalim saka ko 'to unti-unting binuga. Ayon kay Char, dadalhin kami ng kakayari niya pa lang na widget sa nasabing lugar ni Moira sa isang iglap lang. Isang teleporting widget daw kasi 'yon na matagal niya nang ginagawa at ngayon nga'y natapos niya na. Sa oras na matapos ni Char ang ginagawa niya ay wala nang urungan. Ito na 'yon. Sa misyong ito nakasalalay ang lahat. Napakabigat na pasanin, pero hindi ako dapat panghinaan ng loob. Sapat na ang mga nasabi sa akin ni mama kanina para humugot ng lakas.

"Feeling tensed?" Imik ng katabi ko na nagpawaglit sa pag-iisip ko. Inabot niya sa akin ang isang maliit na widget at sinenyasan akong isuot 'yon sa aking tainga.

Umiling ako habang sinuot ang earpiece na binigay niya saka nagpaliwanag. "Hindi naman. Medyo-- naghahanda lang."

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanya saka siya muling tumingin sa telechamber. Bigla ay nakaramdam naman ako ng pag-aalala sa kanya. Hindi biro ang kakaharapin naming panganib kaya alam kong magiging mahirap para sa kanya ang gagawin namin. Lalo na't nasabi niya sa akin na ni minsan ay hindi pa siya gumawa ng misyon. Ang sabi niya sa akin noon ay pangarap niya maging sikat na journalist, pero sa ginagawa niya ngayon ay parang isinasantabi niya na 'yon.

"Moira, sigurado ka ba sa--"

"I'll be fine, Ean," pagputol niya sa itatanong ko at muling ngumiti. Medyo natigilan ako nang makita ko ang mata niya. Tulad kanina, ibang-iba ang tapang na nakikita ko mula sa kanya. Para bang ibang Moira ang kaharap ko at malayo sa mahinhin, mahiyain at wirdong Moira noon.

Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita siyang ganito. Sa gitna ng mga nangyari sa akin matapos kong makabalik dito sa Orthil ay hindi ko na napansin na malaki na rin pala ang pinagbago niya. Ramdam ko na matapos niyang mamulat sa buhay ng isang ganap na Senior ay tumapang siya. Pero sa gitna ng lahat ng 'yon ay ni minsan hindi niya ako iniwan. Napakabuting kaibigan talaga ni Moira.

"Maraming salamat, Moira," biglaan kong pasasalamat dahilan para kunot noo niya akong lingunin. Nginitian ko siya saka nagpatuloy. "Alam mo, kung hindi siguro kita nakilala sa Edira, hindi ganito ang kinahinatnan ng lahat. Siguro hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng sagot sa tunay kong pagkatao."

Yumuko siya at nahagip ng mata ko ang pamumula niya. Ako naman ang napakunot ng noo dahil doon. "A-ano ka b-ba, Ean. I'm s-sure, Rake and the others would've f-found you kahit wala ako."

"Sus!" Bulalas ko sa naging dahilan niya at napaismid pa. "Kahit na! Iba pa rin 'yung kasama kita. Biruin mo, sa dami nating pinagdaanan, ngayon magkasama na tayo sa isang misyon. Who would will be thoughts about it? 'Di ba?" Dagdag ko pa nang may malapad na ngiti na agad din namang nawala nang makita kong nanglalaki ang mata sa akin ni Moira. "Oh? Bakit? Totoo naman, 'di ba?"

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon