[7 - Day 3 (Sweet"s")]

42 3 3
                                    

NOTE: FVCK THOSE HATERS. I LOVE THEM SO MUCH <3

SORRY DIN NGA PALA KUNG NAPAPA-ENGLISH NA TONG STORY KO. TAGALOG NAMAN YUNG NARRATION EH HIHI.

DAILY CHARLI #3: Love... Is harmful... But love is not love without getting hurt.

Chapter Completed @ May 4, 2016

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Chapter 7 - Day 3 (Sweet"s")

Charli's POV

"Halaaaa, madaya!" sigaw ni Muffy. Magkakasama ulit ang tropa ngayon sa cafeteria. Hinihila ko si Crystal paalis pero pinipigilan nya ni Muffy. Ikekwento ko kasi kay Crystal yung mga nangyari tapos gusto ni Muffy sumama. Ayoko namang sabihin kay Muffy kasi kakalat ng bongga yan!

"Muffy, ano... Kalma lang! Ah... Meron kasi tong si Charli kaya bitawan mo na ako please kung ayaw mong sunugin ka ng buhay ni Charli!" ani Crystal. Sa takot lang siguro ni Muffy dahil binigyan ko sya ng death glare ay napa-bitaw sya kaya hinila ko na paalis si Crystal. Nadala ko sya sa may garden ng school na wala masyadong estudyante.

"Ano ba kasi yun Charli?" tanong ni Crystal habang umuupo sa bench.

"Wag mo to sasabihin kahit kanino ah! Kahit sakin. Kase..." umupo ako sa tabi nya tapos pinakita yung pictures namin ni Yoongi. Nanlaki yung mga mata ni Crystal.

"Close na kayo?" tanong ni Crystal.

Kinwento ko sa kanya lahat simula sa pagka-muntik na holdapan scene namin ni Yoongi hanggang sa pagkain nya ng street foods. Tuwang-tuwa naman si Crystal pero nilinaw ko sa kanya na wala pa kami sa "friends" stage. Binilin nya rin na imention ko sya next time. Buti nalang mas mahal nya pa si Junhui kesa kay Yoongi kundi, patay tayo jan. Sana rin palarin syang maka-close si Junhui noh? Ahihi.

Tumayo na kami ni Crystal para umalis pero pagka-talikod namin ay bumungad samin si Ran na mukhang bored na bored tapos nilapitan nya si Crystal, umiwas lang ng tingin si Crystal tapos biglang umalis. Hinabol naman sya ni Ran. Huwalanjo ano kaya trip netong dalawang to? Got to believe? Euhahahaha! Dejk.

Hindi ko nalang pinansin yung dalawa at pumasok na sa room ko para sa next class kahit medyo maaga pa. Naisipan kong itext si Yoongi at dahil maganda ang naisip ko kahit siguro hindi naman yun magrereply, tinext ko parin.

Me: Hi Yoongi! How are you?

After 5 minutes...

After 10 minutes...

After 15 minutes...

._____.

Hindi na yun magrereply amp.

Hindi na nga nagreply si Yoongi at dumating na rin yung professor namin. Nandito na rin yung tropa pero wala sila Ran at Crystal. Tinanong ko sila Clyde pero hindi rin nila alam. Ay ang OA ko, pwede namang late lang. Pero hindi eh. Natapos na yung classes namin. AS IN LAHAT NG CLASSES NAMIN pero wala parin sila. Haaaays Crystal, Ran, ano ba nangyari t( T ^ T )t omygad nevermind the two "t"s outside the parentheses.

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Pangatlong araw na ng deal namin ni Yoongi ngayon pero kinakabahan parin ako. Sino namang di kakabahan? At masasanay rin naman ako pag ilang araw na ng deal namin. Yun ang ayoko. Ang masanay. Kasi pagdating ng araw na sanay na ako, malapit na rin ang pagdating ng araw na matatapos na yung deal namin. Makakalimutan na ako ni Yoongi. Babalik na sila sa Korea. Kaya sana ma-enjoy ni Yoongi tong 30 days na to para hindi nya makalimutan.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon