CRYSTAL, RANCOR, AND JUNHUI'S SIDE STORY! :)
ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー
Crystal, Rancor, and Junhui - "Unwantedly"
Crystal's POV
"Narcolepsy. Narcolepsy is a neurological disorder caused by the brain's inability to---"
"Doc, maganda po kayo pero pwede long story short?" nakasimangot kong bwelta. Nanonosebleed ako eh.
"Okay. Narcolepsy is a sleep disorder. Despite the perception that people with narcolepsy are perpetually sleepy, they do not typically sleep more than an average person. Narcolepsy patients sleep a normal amount but cannot control the timing of sleep. Now to cope with it, I want you to take several short daily naps for ten to fifteen minutes, establish a routine sleep schedule, maintain a regular exercise and meal schedule. Also, avoid alcohol, caffeine, and nicotine. You can also have madication like Antidepressants, stimulants, and sodium oxybate but all of these have side effects like nausea, mood changes, enuresis, headaches, and weight gain."
"D-doc, gamot po sa nosebleed, meron?" -ako
******
Rancor's POV
"I'm saying you get away from her. I will not allow you see her again, have I made myself clear?" sabi ng mama ni Stal kay Junhui. Hindi ko alam kung pano magrereact. Kung ano mararamdaman. Kung matutuwa ba para sa sarili ko o malulungkot para kay Jun at Crystal. Magkakaibigan din naman kaming tatlo so if I'd be selfless, sisingit ako sa usapan nila at pipigilan si Jun sa paglayo kay Stal. Pero hindi ko nagawa. I really am selfish after all.
***
Sinundan ko si Crystal kung saan man sya pupunta pagkagaling nya ng ospital. Kasi alam ko namang hindi uuwi yan, mabuti nang bantayan ko sya. Dala ko rin yung favorite nyang juice pouch. Bihira na kasi sya lumabas para bumili neto, at mas bihira pa syang lalabas dahil sa narcolepsy.
Nagpunta sya sa isang tree house na hindi ko maintindihan. Yung totoo, pasko ba? Bakit may christmas lights? Di pa naman pasko ah, di pa nga nagha-halloween eh.
Umakyat si Crystal sa tree house at pinanood ko lang sya mula dito sa baba. Lumapit ako sa puno at kumapit sa ladder. Aakyat din ako. Sigurado malungkot sya. Paakyat na sana ako nang may marinig akong mga yapak mula sa likod ko kaya bumitaw ako at humarap sa taong naglalakad sa likod ko. Si Jun.
"Umm... Are you... Are you going up?" tanong nya na halata yung awkwardness sa boses nya.
"No. I just made sure she's safe." sinungaling. Naglakad na ako paalis pero tumigil muna ako sa tabi nya para iabot yung zesto. "Give this to her. Don't tell her it's from me."
Pagkatapos nun ay umalis na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napag-isipan ko na rin na pumunta kayla Clyde. Ano na kayang nangyayari sa gagong yun?
Naglakad lang ako paalis at nadaanan ko yung mama ni Crystal sa tapat ng isang bahay, may kausap sya sa cellphone. Alam kong hindi dapat pero nagtago ako sa likod ng isang pader na malapit lang para mapakinggan yung pinag-uusapan nila. As cliché as ever.
"Exactly, I paid you to pretend that my daughter has narcolepsy, not give her a dose of horrible medicine. Oh, and, never tell anyone about that, even your shadow."
What a stupid fucking complicated life. Mas lalong pinapagulo eh. Nakakabwiset. Agad na akong naglakad. Sinipa ko pa yung isang monoblock sa harap ng mama ni Crystal at tinignan sya ng masama. She was dumbfounded. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpunta na kayla Clyde. Hindi na ako kumatok sa pintuan nila, dere-deretso lang ako sa pagpasok. Bumungad naman sakin si Muffy na nagpi-ps2 habang si Clyde ay kinukuha yung controller mula sa kanya.
"Ano ganap? Wag kayo maglandian sa harap ko please." umupo ako sa sofa nila at nag-cross arms.
"Di kami naglalandian! Yan, lalandiin ko sa gwapo kong toh?" -Clyde
"Hi din sayo, Rancor. Alam mo na bang may narcolepsy si Crystal?" sinipa ni Muffy yung paa ko ng mahina lang. Hindi ko lang pinansin yung tanong nya. Inirapan ko nalang sya, ayoko sumagot. It'll only make it worse. "Base sa reaksyon mo, alam mo na nga."
"MAY NARCOLEPSY SI CRYSTAL?!" sigaw ni Clyde.
"Hala, hindi mo pa ba alam? Patay dapat pala nag-shut up nalang ako!" -Muffy
"Teka teka, ano ba yung narcolepsy?" -Clyde
"Ah--- Tangina ano yun, umm... Gamit lang yun na limited edition." -Muffy
"Ahh... Yun pa ba? Rk yun eh. Weird ng pangalan, parang sakit lang." -Clyde
"Gabi na Muffy, bukas na kayo maglandian. Baka mabuntis ka pa nyan, tsaka nakakarinde na kayo." -ako
"Gago! Di kami naglalandian! At ako magpapabuntis dyan? Walanjo." -Muffy
"Hoy! Wag kang feeler, mataas ang standards ko." -Clyde
At nagsimula na naman ang walang katapusan nilang bangayan. Nakakarinde. Hindi ko alam kung chapter ko ba to o chapter nila. Napaka-unfair mo Hannah, sinusumpa kong masunog yung pambili mo ng Epilogue Tickets.
{Punyeta ka, eto na nga eh!}
Hindi ko na natiis yung sagutan ni Muffy at Clyde kaya lumabas na ako nang walang paalam. Bahala sila, maubos. Na sana boses nila kakasigawan. Parang mga bata.
Sa paglalakad ko ay di ko inaasahan yung nakasalubong ko. Si Crystal, naka-bts tshirt. Ugh, fangirl. Nakayuko lang sya pero bigla syang tumingin ng deretso kaya nakita nya ako. Mas hindi inaasahan yung ginawa nya, niyakap nya ako.
"Jeonghan! Uwaaa! Ngayon lang nag-sink in lahat! May narcolepsy ako!" sigaw nya.
"H-hindi ako si Jeonghan." sagot ko.
"Alam ko. Si Rancor panget ka. Pero gwapo na rin kasi may hawig ka kay Jeonghan." tumawa sya.
"Wala kang narcolepsy. Pakulo lang yun ng kontrabida."
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Gago ka ba? Sa buhay ko, walang kontrabida! Mga anti-kpop lang kontrabida sa buhay ko."
Kung pwede ko lang sabihin na hindi ako nagbibiro. Kung pwede ko lang sabihin yung toto. Para kaging kasaya sila. It's okay to be selfless... When you're stupid. I'm Rancor. But I'm so affected.
~YOONGI ZONED SIDE STORY © 2016~

BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Teen FictionCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...