[28 - Day 21 (Stormy Inside and Out)]

25 1 0
                                    

Daily Charli #21 - "If people would just stop thinking about theirselves, maybe the world is so much better."


[Chapter 28 - Day 21 (Stormy)]
Ft. BTS' Love is not over

Charli's POV

"Ano, Charli? May boyfriend ka na ba? 'Yung Yoongi, boyfriend mo na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni mama habang kumakain lang ako ng almusal.

"Grabe si mama, mas excited pa kaysa sa akin!" sagot ko naman.

"Nililigawan ka ba?"

Tumango ako.

"Edi sagutin mo na!"

"Mama naman!" tumayo na ako upang ilagay sa lababo ang kinainan ko at magtoothbrush.

"Charli kasi! Noong teenager ka palang, oo sinabihan kitang 'wag magboyfriend. Pero hindi naman ibig-sabihin noon na 'wag ka magboyfriend habang-buhay!" nag-pout si mama. Hindi bagay sa kaniya!

Bago pa man ako makasagot ay biglang bumukas ang pintuan ng dining room. Bumungad sila Muffy at Crystal. "Sinong nanliligaw kay Charli?!" sigaw ni Muffy.

"Si Yoongi?! Nililigawan ka? Teka, marunong ba manligaw 'yun?" tanong naman ni Crystal.

"Bakit kayo nandito? Hindi man lang kayo nag-doorbell o kumatok," saway ko sa kanila. Hindi ko alam kung naintindihan ba nila ako kasi nagtootoothbrush ako.

"Hindi niyo ba alam? Boyfriend na ni Charli 'yung idol niyo!" natatawang sabi ni mama.

"Hindi ko siya boyfriend!" depensa ko naman bago nagmumog at nagpunas ng bibig.

"Eh, ano? Manliligaw mo nga?! Si Yoongi?!" gulat na gulat si Crystal. Grabe naman kung maka-react, parang imposibleng magustuhan ako ni Yoongi.

"Grabe 'yung reaction," komento ko. "Mama, may lakad kami mamaya, ha?" pagpapaalam ko at tumango lang si mama.

"Sino? Tayo? Wala naman tayong lakad mamaya, ha!" reklamo ni Muffy. Hinila ko nalang sila ni Crystal palabas bago ko kinuha ang mga gamit ko at naglakad na kami papunta sa school.

"Gaga ka ba, Muffy? Kung hindi tayo, edi malamang si Yoongi 'yan!" sagot ni Crystal. "Hindi na naman nagsasabi 'yan si Charli, eh."

"Hoy, mga bakla! 'Wag kayo magtampo sa akin! Magkekwento na nga ako, eh!" nag-cling ako sa mga braso nila. Nasa gitna kasi nila ako.

"M-Muffy, may narinig ka bang nagsalita?" tanong ni Crystal.

"Wala. Bakit, may narinig ka? 'Wag kang nananakot, ha!" sagot naman ni Muffy.

"Eh! Ano ba naman kayong dalawa! Hindi niyo na ba ako mahal?" hinila ko pa sila papalapit sa akin. "Sige, bahala kayo. Hindi na nga ako magkekwento sa inyo!" bumitaw na ako sa kanila at naglakad ng mas mabilis pero hinila ulit nila ako.

"Eto naman si Charli, hindi mabiro!" si Crystal naman ang nag-cling sa braso ko.

"Oo nga! Alam mo namang mahal na mahal ka namin, eh!" nag-cling din si Muffy sa akin.

"Sige na! Magtanong kasi kayo sa akin para may makwento ako!"

Nagkatinginan lang 'yung dalawa. Mukhang hindi nila alam kung anong unang itatanong nila.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon