-SIDE STORY (Muffy•Clyde)-

25 2 0
                                    

MUFFY AND CLYDE'S SIDE STORY :)

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Clyde & Muffy - "Fulfilling Each Other's Loneliness"

Muffy's POV

"Nagsusugal ka na naman?! Hinahayaan na nga kita mambabae tapos yung perang kinikita ko ipansusugal mo lang?!" sigaw ng mama ko sa papa kong naka-upo lang sa sofa at nakahilamos ang mga kamay sa mukha nya. Ako naman ay nagtatago lang sa likod ng pader habang pinapanood sila.

"Manahimik ka nga! Naririndi na ako sa---"

"Hindi mo ako maririnig magdada sayo ngayon kung nagtino ka!" isang sampal ang natanggap ng nanay ko. Doon ay napaiyak na sya. Kahit gago si papa, ngayon ko lang syang nakitang iyakan ni mama. Isa syang matapang na babae. Kaya nanghihina ako sa nakikita ko ngayon. Akala ko titigil na si papa pero sinampal nya pa ulit si mama.

Di ko na napigilan ang sarili ko at sumugod na ako. Hinawakan ko yung braso ni papa. "Pa, tama na!"

Imbis na sagot o ang pagtigil nya ang natanggap ko, isang suntok iyon. Ang sakit. Ang sakit sa pisngi. Tinulak pa ako ni papa kaya napaupo ako.

"Manahimik ka nalang kasi sa susunod! Magdadada ka pa!" sigaw ng papa ko kay mama.

Tumayo na ako. "Ano ba naman kayo? Kung kailan kayo tumanda tsaka kayo nag-isip bata! Pa, ma, may anak kayo dito. May anak kayo na pinapanood kayong mag-gaguhan! Pa, anak mo ako pero bakit ganito ka?! Mabuti pang kalimutan mo na ako. Letse." binasag ko yung flower vase na nakapatong sa table na nasa tabi ko lang at umakyat na. Sumilip ako sa binata para tignan kung may mga bituin pa pero imbis na mga butuin ang makita ko pagkabukas ko ng bintana, eh isang asungot sa buhay. Tinaas nya yung kamay nya at ngumiti. Nakasilip din sya sa bintana nya, sa kabilang bahay. Malapit lang, kaya kung mag-usap kami ngayon ay parang walang harang.

"May problema ka ba, asong Mapi?" tanong nya.

Napasimangot ako. "Oo eh."

"An---"

"Nakita kasi kita, panira much." sagot ko. Bigla nya namang sinarado yung bintana nya. "Oy, Clyde! Joke lang! Balik ka na dito."

Bigla namang bumukas ulit yung bintana nya. "Sabi na nga ba hindi mo matitiis tong kagwapuhan ko eh."

"Kagwapuhan my ass! Wala ka pa sa kalingkingan ni Lee Min Ho at Lee Jong Suk!" pagkasabi ko nun ay bigla syang umalis at bumalik na may kasamang isang mahabang unan. Alam nyo yun? Hotdog tawag ko dun eh. "Aanhin mo yan?"

"Para di mo na ako kontrahin." nilabas nya sa bintana yung unan tapos pinatama ng pinatama sa mukha ko. Umaatras ako pero binabalaan nya akong susugurin nya ako dito. Sobrang kulit nya! Para syang three years old lang! Autistic yata tong gagong to eh! Tawa pa ng tawa habang pinaghahampas yung mukha ko! Ako naman si pikon eh kumapit sa unan at nag-mala tug of war kami dito. "H-hoy ano ba! Unan to ni kuya!"

"Edi shing shang fu! Wala akong pake! Tigilan mo na ako!" sigaw ko pabalik habang nakikipag-hilahan parin.

"Aba! Suma-Shan Tsai ng meteor garden ang peg mo ah! Pwede naman akong Dao Ming Zu mo eh!" nag-pogi sign pa sya pero di parin binibitawan yung unan kaya hinila ko yun ng mas malakas.

"Bitiwan mo na!" hinila ko pa.

"Edi bitiwan!" bigla nyang binitawan yung unan at dahil nga hinihila ko yun ng malakas. Napa-upo ako sa sahig. Tawa naman ng tawa si Clyde.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon