[11 - Rej]

24 2 1
                                    

NOTE: READ AT YOUR OWN RISK :)

It was a bad experience. A very bad experience. It was so dark, so frightening. I asked God what time was it then I felt something hard on my back. It was an LED watch.

-Hannah

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー
[Chapter 11 - Rej]

[9pm]
Charli's POV

Nakatayo na ako sa tapat ng pintuan namin hawak yung baymax stuffed toy na binigay sakin ni Yoongi. Pagkahawak ko sa door knob ay bigla yung umikot at bumukas ang pinto.

"Oh, Charli! Kanina ka pa namin hinihintay. Halika." pumasok kami ni mama sa loob at bumungad sakin si ate at isang lalaki na nakaupo sa sofa. Tumayo silang dalawa at lumapit ako sa kanila.

"Hi. I'm Rejan. Kuya Rej nalang itawag mo sakin. Boyfriend ng ate mo. Ahh, dito muna ako magsstay, sana hindi ka maabala." nakangiting bati sakin ng lalaki at inilahad yung kamay nya.

"Hello. Charliza po. Charli nalang hehe. Okay lang po yun." nag-shake hands kami tapos inilahad ko yung kamay ko sa harap ng ate ko. "Hi ate Charizza. Ako pala yung kapatid mo, baka nakalimutan mo lang."

Inirapan ako ng ate ko. "Hindi kita kapatid, ampon ka lang."

"Hmpf sungit ni ate!" dumeretso ako sa kusina tapos pinatong yung stuffed toy ko sa lamesa. Ininit ko yung natirang carbonara namin kanina sa microwave tapos nilagay ko na bowl at dinala sa kwarto kasama ng stuffed toy ko. Hindi pa kasi ako naghahapunan.

Pinatong ko muna yung bowl sa study desk ko tapos dinikit yung picture namin ni Yoongi sa wall katabi ng dati naming picture. Umupo na ako sa upuan sa tapat ng study desk at kumain na habang pine-play yung Boy in Luv ng BTS. Nakiki-kanta rin ako hoping na hindi ko mabulabog sila mama. Lalo na't nandito si kuya Rej. Bigla namang nahagip ng mata ko yung unan ko na tinatawag kong Yoongibebi dahil lang nakaprint dun yung mukha ni Yoongi. Ngumiti ako. Pinause ko muna yung kanta.

"️Yoongibebi, ang galing noh? Dati puro merch lang ang meron ako. Isang unan na may picture mo, mga laminated pictures, t-shirt na may mukha mo, at posters. Tapos ngayon. Ahe grabe ka Yoongs!! Nakakainis ka! Bakit kasi... Ah basta nakakainis ka!"

Biglang bumukas ang pintuan ko.

"Charli? May kaaway ka ba?" -kuya Rej

"Mawalang galang na po kuya Rej pero bawal po pumasok dito. Pakibasa nalang po sa pintuan." -ako

"Ah ganun ba? Pasensya na nag-alala lang ako." sinarado na ni kuya Rej yung pintuan ko at tumuloy na sa pagkain. Pagkaubos ko ay bumaba ako sa kusina para maghugas ng pinagkainan ko tapos uminom ako ng tubig. Pagkaakyat ko ay nag-bihis at natulog na ako. Wala namang pasok bukas pero maaga ako natulog kasi pagod ako.

******

Pagkagising ko ay naghilamos ako at bumaba. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. May narinig akong nagtatawanan sa kusina/dining room kaya pumunta ako dun pero nang bumungad sakin yung dahilan ng ingay, nagsisi akong hindi ako nagpalit ng damit at hindi ako nagsuklay ng buhok. Bumungad lang naman sakin si mama, si ate, si Kuya Rej, si Cochi, at si Tristan. Oh diba? Ang saya.

Natahimik ang lahat pagkabukas ko ng pinto kaya habang hindi pa sila bumabalik sa sarili nila, sinarado ko agad yung pinto at tumakbo sa kwarto ko. Nag-bihis ako ng maayos na shorts at t-shirt tapos nagsuklay ako bago bumaba. Pagkapasok ko sa kusina ay muli silang natahimik kaya nagtaka na ako.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon