-SIDE STORY (Jun•Rancor•Crystal)-

21 1 0
                                    

CRYSTAL, RANCOR, AND JUNHUI SIDE STORY :)

sycheo

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Crystal, Rancor, and Junhui - "Quandary"

Crystal's POV

Kanina pa ako kinukulit ni Charli. Kaya no choice ako---ay hinde. May choice pala ako. It's either dumanas ng impyerno o mag-kwento sa kanya. I'll stick to the safer side though.

"Oo na, oo na. Kasi..."

*flashback*

Same day nung last side story.

Dahil nga sa sinabi ko, inuwi na ako ni Junhui sa bahay namin. Nakakabagot talaga sa ospital, mga pang-OA lang. Don't get me wrong ha, mahilig ako sa wattpad stories pero yung mangyayari sayo mismo yung mga cliché na achuchung yon, parang ampangit na.

"Ate! Bakit andito ka na? Diba may pasok pa? Ju-Junhui?! Ate bakit kasama mo si---" -Jiannie

"Manahimik ka nga. Ang dami mong daldal." -ako

Yung kaninang nag-aalala nyang mukha ay naging isang mapaglarong itsura. "Bitter."

Ngumiti ako. "Tingin mo gusto ka ni Ran?" lumapit ako sa kanya. "Guess what, reserba ka lang daw."

Natulala sya sa sinabi ko at umakyat na ako. Sumunod naman sakin si Junhui. Humiga na ako sa kama ko at umupo sya sa may sofa.

"Go home." -ako

"No, I have to take care of you." -Junhui

"Hindi na ako bata." siningkitan ko sya ng mata.

"I know that. Oh, and I got your phone." -Junhui

Sinamaan ko sya ng tingin. "Akin na."

"No." -Junhui

"Aish! Just... Just don't disturb me! I'm going to sleep!" nagtaklob ako ng kumot tapos natulog na.

******

Same day.

Nagising ako sa amoy ng sopas at fries. Sopas at fries? Sino namang magsasama nung dalawang yun?!

Napa-upo ako at nakita ko sya na naka-upo sa sofa ng kwarto ko. Anong ginagawa nya dito?! Napansin nya ako na nagising na kaya lumapit sya sakin.

"Kain ka na, Stal." kinuha nya yung bowl ng sopas at nag-scoop ng sabaw.

Tinignan ko sya ng masama. "Malaki na ako. Wag ka ngang gaya-gaya sa mga leading man sa wattpad. Hindi ka nakakakilig."

Binaba nya na yung sopas at ngumiti. "Ang ganda mo talaga pag nagsusungit."

"Wag a---"

"Joke." tumawa sya at napatawa rin ako pero agad akong sumimangot.

"Manahimik ka, Rancor. Umuwi ka na."

Hinampas nya ako ng unan sa mukha. "Ikaw ang manahimik." tumawa ulit sya.

"Edi great edi great edi great!" tumawa rin ako at umiwas ng tingin. Parang biglang humina yung katawan ko pagkatawa ko.

"Oy tignan moko! Tignan moko, Stal! Kamukha ko si Jeonghan diba? Diba? Diba crush mo yun? Oy, Stal!" pilit nyang pinapakita yung mukha nya sakin habang ko pilit rin na iniiwas sa kanya yung mata ko. Dahil sa kalikutan ni Ran, nahulog sya at nahila nya yung kumot kaya nasama ako sa pagkabagsak nya. Again hindi kami mga echosera na malalaglag at magkakapatong, pero umuntog yung ulo ko sa sahig. Oh diba, ang saya :D

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon