[14 - Day 9 (Boring)]

34 3 4
                                    

NOTE: ABANGAN NYO AKO. ABANGAN NYO KAMI

DAILY CHARLI #9: (di ko muna isasama to sa chapter) Don't be afraid to try but be careful that you might be trying so hard that you are exhausting yourself. Take a break sometimes.

Dying is my secret hobby.

-Hannah

----------------------------------------------------------------------------

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Muffy pagkatapos ko itabi yung mga bike. Sinalubong naman nila ako. Umupo ako sa sofa nila at sumunod naman silang dalawa sakin.

"Saan ka galing?" tanong ni Muffy na umarte pa as if nanay ko sya.

"Day eight namin ni Yoongi eh. Nagpunta kami sa riverside park." sagot ko naman na para bang wala akong pake sa mundo.

"Gaga! Akala ko ba di muna sasabihin?" hinampas ni Crystal yung braso ko.

"Ulol ka, Charliza Deni Sandoval! Porket nakita mo si J-Hope grabe na feels mo." umirap si Muffy.

"Muffy, ano ka ba! Di nagsisinungaling yan! May ebidensya yan, marami na silang pictures. Uy Charli, bakit mo nga pala sinabi na kay Muffy?" inirapan din ni Crystal si Muffy.

"Kinuhaan ko kasi ng video si Yoongi para sa inyo. Tara dali, panoorin nyo!" nilabas ko ang cellphone ko at agad pumwesto sa tabi ko yung dalawa. Pinlay ko na yung video.

"Hello to Crystal Guinto and Muffy Alcaide. Saranghae."

"Again! Aegyo!"

"Hey this isn't part of the---"

"Just do it!"

"Fine. Hello to Crystal Guinto and Muffy Alcaide! Saaaaranghae~!"

"Omygoooooosh! Thank you, Charli! I kennat--- Omg! Feeeeels ko!" tumalon talon pa si Crystal na akala mo nanalo sa lotto. Well di nya na kailangan manalo sa lotto, mayaman na sila hehe.

"Charliza!! Napakadaya mo! Napakadaya mo talaga! Huhuhu, swerte mong monggi ka." nagtakip pa ng mukha at pumadyak pa si Muffy na parang batang nagtatantrums.

"Sorry na, sorry na! Pero guys promise nyo na hindi kakalat to ha?"

"Ako pa ba?" sumaludo si Crystal.

"Sureness." ngumiti rin si Muffy. "Pero kwento ko muna ano yang day eight day eight na yan!"

Tumawa muna ak bago ikwento sa kanila yung mga nangyari... HALA OMAYGAD ANONG NANGYARI?! BIRHEN PA AKO YAAAAAH!! Okay #GMCharli

Bigla namang nag-ring yung cellphone ni Muffy at nanlaki yung mga mata nya sabay sagot. "Walanjo ka nasa kabila lang bahay nyo tatawag ka pa! Bakit ba?" tumigil sya saglit at binaba na. "Uy luto na pala tayo, may pasok pa bukas!"

Problema nung monggi na yun?

Tumayo na kaming tatlo at nagpunta sa kusina. May dalang mga sosyaling fudz si Stal ahihi. Nagluto na kami at kumain. Pagkatapos ng konting pahinga ay natulog na rin kami. Sa living room lang kami natulog, sa nakalatag na foam at mga unang mala-rainbow. Biglang nanghina ang katawan ko nang maalala yung ginawa ni kuya Rej. Wala na akong kawala sa alaala na toh. I guess I'm scarred for life. Malamang, sino ba namang hindi?

----------------------------------------------------------------------------

Pagkapasok namin ni Crystal sa first class namin ay bumungad samin ang isang maingay na klase, as usual. Pero ang bago lang ay mukha ni Tristan na mala Wonwoo, shit! Maayos yung soot nya at may bag syang dala, anong ginagawa nya dito? Transferee? Punyeta di ko kakayanin.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon