Crystal's side story po ito. Pasensya na kung nadagdagan naman ng lalaki sa buhay ni Crystal. Dati po kasi patay na patay yung port niya kay Junhui tapos ginawa kong extra si Rancor para may storya tapos ayaw na ng port kay Jun. Na-inlove siya kay Mark eh. Pero 'di natin alam ang mga mangyayari! ;)
annephile dongsaengie, this is for you and for your Mark feels.
——————————————————————————————————————
Crystal & Mark - "Indebted"
Crystal's POV
Nagtataka ba kayo kung bakit lagi ko nang kasama 'yung Mark Lee na 'yun? Sige, ikekwento ko na. Isang araw kasi pagkatapos noong insidente sa motel, nakasalubong ko siya.
Naglalakad lang ako sa labas ng mall nang may makasalubong akong isang lalaking blonde ang buhok. Nakasuot siya ng simpleng porma lang pero ang cool niya tignan. Tsaka naka boots pa! 'Yung parang kay Jungkook! Tapos mukha pa siyang Korean! Familiar nga siya, eh.
Nang malapit na kami sa isa't isa, nakita niya ako at nanlaki ang mga mata niya. Bigla niya nalang din akong hinila papunta sa parking lot.
"Excuse me, kilala ba kita? Bakit mo ako dinala dito?!" nag-cross arms ako.
"Kasi alam kong mag-iingay ka. I turned out to be correct," pa-cool niyang sagot. Nairita ako bigla.
"Do I know you? Close ba tayo?" tanong ko ulit. Tinatarayan ko parin siya.
"Yes! May utang ka pa nga sa akin, eh!"
"Ako?! May utang sa'yo? Hoy, may pera ako at kaya kitang bayaran!" nakapamewang naman ako.
"The thing is, I won't accept cash as a payment. I didn't lend you money, I just saved your life."
"So anong sinasabi mo? Ibayad ko ang kaluluwa ko sayo?" gulat na tanong ko. Hindi naman kami close, ni acquaintances, or whatever.
"Hindi naman sa ganoon, pero malapit na," tumango-tango pa siya habang nakangiti na akala mo tinalo niya 'yung kaaway niya sa kung ano.
Okay, sige na. Gwapo siya, mukha naman siyang matino, mukha siyang mayaman, tapos ang bango niya! Kaso lang, isa siyang malaking...
"Gago," bulong ko habang nag-cross fingers na ako sa likod ko. "Ano ba kasing utang ko sa'yo at kailangan mo pa akong hilahin dito?!"
"Hindi mo na ba ako matandaan?"
"Magtatanong ba ako kung natatandaan pa kita?"
Natahimik siya. Medyo napa-pout din siya na ewan ko kung seryoso o umaarte lang.
"Ako 'yung nagdala sa'yo sa motel. Inakay kita noong hinimatay ka, ang bigat mo nga, eh!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Medyo nahiya din ako, at ewan ko kung bakit. Dahil ba tinarayan ko ang taong tumulong sa akin, o dahil binuhat niya pa ako sa bigat kong 'to? Aish!
"I even paid for everything I had to pay for. Sorry, hindi na kita nahintay. Something urgent came up—"
"I'll pay for all the expenses. Magkano nga pala lahat ng nagastos mo?" sabi ko bago ako ngumiti, sarcastically. "Edi ikaw pala si Mark Lee?"
Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to kanina? Ibabayad ko sa kaniya ang buhay ko? Ano siya, Diyos?! No way. As far as I know, isang sincere na thank you lang at bayad ng hinihingi ng mga tao. Ibang klase 'tong lalaking 'to.

BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Ficção AdolescenteCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...