[20 - Day 13 (Bad Luck-?!)]

21 4 3
                                    

I have a voodoo doll of myself. I love blood so I cut the doll's hands then realizing I can't cut anything anymore.

-Hannah

해찬 오빠 너무 사랑해 ㅠㅡㅠ

Take note of every word. Remember every little thing. You'll never know when they might be useful...

^^medyo weird and creepy pero serious yan para exciting yung pagbabasa.

Naranasan niyo na bang pumila ng 6hours at makipagtakbuhan tapos malalaman niyo nalang na sold out yung tickets na bibilhin niyo? Got me goooood, bangtan T.T

DAILY CHARLI# 13 - "Even if you don't expect for something good, you still can't avoid feeling disappointed when something bad happens."

----------------------------------

[CHAPTER 20 - DAY 13 (BAD LUCK-?!)]

Charli's POV

"Pashnea! Ang malas ko ngayong araw!" sigaw ko nang biglang nawala sa paningin ko yung kausap ko.

"Charliza Deni Sandoval! Bumangon ka na ngayon din!!" sigaw ni- SIGAW NI MAMA!

Napabangon ako bigla. Nananaginip lang pala ako!

"Hala! Late na ako nagising!" napabalikwas ako ng takbo nang makita yung orasan.

May masama talaga akong kutob sa araw na 'to.

****

"You're late, Ms. Sandoval," nakangiting saad ng professor namin. Sarcastic na sarcastic yung ngiti niya.

Binati ko siya at nag-sorry bago umupo sa silya ko. Kinalabit naman ako ni Clyde na nasa likod ko lang.

"Ano nangyari sayo? Mahangin sa labas?" tanong niya habang nakatingin sa buhok ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko, Clyde. Kaninang umaga na-late ako ng gising. Kalahating tinapay lang ang nakain kong almusal, hinarang pa ako ng anak ni manang Talya kaninang umaga, sinisingil yung hiniram kong sampung piso. Sobrang hinihingal na ako sa kakatakbo, natanggal pa yung sapatos ko. Tapos yung I.D. ko nasa kasulok-sulukan ng bag ko, nag-init na ulo ni manong guard sakin, tapos hinahanap mo yung oras para magsuklay ako? Wala kang puso!"

Nag-pout siya at sumandal sa upuan niya, "S-sorry... Init ng ulo eh."

"Mainit ulo ko? Clyde, babae ako! Intindihin mo ako dahil babae ako! Kayong mga lalake, pagkatapos nyo magpatuli, magpapakasarap na kayo! Kami, buwan-buwan kaming iniimpyerno!" sagot ko.

"Daming sinasabi," bulong niya kahit narinig ko naman.

Napasubsob nalang ako sa desk ko. Kinukutoban talaga ako sa araw na 'to.

******

"Ewan ko ba, Stal. Parang malas talaga ako ngayon..." napasubsob ako sa table sa canteen.

"Sine-stress mo lang sarili mo eh! 'Wag mo kasing isipin na malas ka," sagot niya sakin.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan sila Muffy at Crystal, "Pero kung oo, tingin niyo bakit ako minamalas?!"

"Baka kasi day 13 niyo na?" komento ni Muffy.

"Does that make sense?" sagot ni Crystal habang kumakain.

Ewan ko ba, baka napapraning lang ako. Kasi yung panaginip ko, tapos kung ano-anong kamalasan ang nangyari sakin... Pano kung may mangyaring masamang mamaya pag nagkita kami ni Yoongi?! Huwaaaaaa! 'Wag naman sana!

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon