CRYSTAL, JUNHUI, AND RANCOR SIDE STORY ::::)))) GRABE BUHAY PA PALA 'TONG MGA 'TO?!
sanamoons Mark Lee sa ilalim.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Crystal, Rancor, and Junhui - "MARK LEE?!"
Rancor's POV
"AAAARGH!" sigaw ko out of frustration. Napasabunot nalang ako sa sarili ko.
"Ano ba kasi nangyari sayo, pre?" tanong ni Zeke na nagsalin ng alak sa baso namin ni Clyde.
"Grades mo ba? Love life ba? Pamilya mo? Yung pusa nyo? Ano pre, may masakit ba sayo? Kuko mo? Buhok mo? Teka baka naman... Wag mo sabihing nakabunis ka?!" tuloy-tuloy na panghuhula ni Clyde na di ko alam kung seryoso ba sya o hinde. Sinamaan ko lang sya ng tingin bago uminom.
Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Lalo na at ako ang pinakanaiipit sa sitwasyon dahil alam ko ang totoo...na walang narcolepsy si Cystal... At malamang na ginamit ng nanay nya ito para makontrol sya. Para mapalayo si Junhui. Hindi ko alam kung sasabihin ba namin ito kay Crystal. Basta ang alam ko ay magpapaka-selfless ako ngayon at hindi hahayaang lumayo si Junhui kay Crystal. Biruin nyo, isang "Rancor" na synonym ng antipathy, ng hate, ay magkakaganito dahil sa Love at "Cherish"? Haha, nakakatawa lang.
"Ano ba kasing gagawin ko, pre? Hindi naman totoong may narcolepsy si Crystal... Tapos pinapalayo pa si Jun sa kanya... Kaso baka mag-break down at magrebelde si Crystal kapag sinabi ko sa kanya yung totoo..." napa-ubo ako konti.
"Edi good, magtanan nalang kayo." -Zeke
Napangisi ako sa sinabi nya... Pangarap ko yun dati... One day, magiging Mrs. Torres ko sya. Until bumigay ako at kinuha si Jiannie bilang reserba... Ang tanga ko talaga. Ngayon pinagtutulakan ko yung taong mahal ko sa ibang lalaki. Masisisi nyo ba ako? Alam kong masasaktan ko lang si Crystal sa katangahan ko, at alam ko rin maiingatan sya ni Jun...
Biglang bumukas ang pintuan namin at iniluwa si Jun. Nagulat ako dahil pagkatapos ng ilang taon ay nakatungtong ulit sya sa bahay namin. Seryoso ang kanyang mukha na bihira mo lamang makikita. Nag-bow sya ng bahagya at ininom ang alak sa baso ko. Napangisi ako.
"What brings you here?" tanong ko.
"I told Crystal," sagot ni Junhui. Nabigla naman kaming tatlo sa sinabi nya ngunit nanatili syang tahimik, "That's all," tumayo na sya.
Napatayo din ako at sinuntok sya. Hindi ko na alam. Pakiramdam ko sasabog na ako. Nakakainis! Pinagkatiwala ko kay Junhui yung katotohanang yun, tapos gagaguhin nya ako?!
"Rancor!" sigaw nila Clyde at Zeke nang suntukin ko si Junhui.
"Punch me all you want, you can't do anything about it anymore," kalmado nya paring sagot. At dahil masunurin ako, sinunod ko ang gusto nya. Sinuntok ko pa sya. Tumingin ako kina Clyde at Zeke na mukhang walang balak na awatin kami. Kilala talaga nila ako. Matapos kong kumalma ay napaupo ako.
"What did she say?" kabadong tanong ko kay Jun.
At as if planado ang lahat, biglang pumasok si Crystal na umiiyak. Para akong sinemento sa lupa dahil nakita ko sya sa ganoong kalagayan.
CRYSTAL'S POV
"Junhui!!!!" nagulat ako dahil sa biglang pagpasok ni Jun sa bahay namin. After ng maraming araw ay ngayon lang sya ulit nagparamdam!
BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Novela JuvenilCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...