-SIDE STORY (Muffy•Clyde)-

26 2 2
                                    

MUFFY AND CLYDE SIDE STORY :) PART 1 :D

Yung feeling na tawag sayo ng classmates mo "KPOP"

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Clyde & Muffy - "Consulting The Internet pt. 1"

Clyde's POV

Jusmiyoooooooo bakit ang boring? Matawagan nga si Muffyloid. Ewan ko bigla syang pumasok sa isip ko eh. Hindi ko na rin kasi masyadong naaasar lately.

"Hi Mapi---"

"Walanjo ka nasa kabila lang bahay nyo tatawag ka pa! Bakit ba?"

"Wow lakas mo ah! If I know nagmumukmok ka na nama---"

Bigla nyang pinutol yung tawag. Sandali bakit ako nalungkot? Hindi! Masaya ako! Na naasar ko sya. Kkkkkkkk.

Anyway ang boring parin. Lakas talaga ng hagupit ng monotone world ni Rancor. U're very no fun bruh. Hindi naman kami naglalandian ni Muffy nun ha? Ganito kasi nangyari nun.

~Plasbak~

Biglang nagring yung wanlangyang doorbell sa kalagitnaan ng pagpi-PS2 ko. Hindi ko pinansin noong una pero umulit yun ng maraming sunod-sunod na beses kasabay ng malakas na pagkatok na akala mo isang sapak lang matutumba na yung pintuan namin kaya pinagbuksan ko na. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Muffy. I was mesmerized for a second. Pagkabukas ko ng pinto ay parang isang magandang babae yung nakita ko pero parang nawala yungg magandang aura nung marealize ko kung sino sya. Normal nang pumupunta sya dito ng walang paalam pero and di normal ay ang magpunta sya dito ng umiiyak at mabigat ang paghinga. Nakasuot sya ng puting tshirt na may red na design na ewan sa kaliwang banda.

"Papasukin mo ako Clyde!" sigaw nya sabay simangot. "I-welcome mo ako! Bisita mo akong letse ka!"

"Pwede ba kumalma ka?" hindi nya lang ako pinansin at pumasok na. Bigla nyang pinalitan yung disc ng PS2 na nilalaro ko tapos naglaro na sya. "Hoy! Bakit mo pinatay yung game ko?! Hindi ko pa nasasave yun! Takte!"

"Kumalma ka din, Clyde! Kung sisigaw ako at sisigaw ka rin, hindi natin makakamit ang world peace!"

"Kinginang world peace yan! Teka, bakit ka ba umiiyak?! Baliw ka na ba?"

Napatingin sya bigla sakin eksaktong pagtulo ng luha nya. Dahan-dahan nyang tinataas yung kaliwang bahagi ng damit nya.

"Hoy Muffy! Umayos ka nga, kababae mong tao! Ayaw kitang halayin!"

Tinaas nya pa yung kaliwang bahagi ng damit nya hanggang sa makita ko ang isang sariwang sugat doon. Hindi pala design yung nasa damit nya. Dugo pala. Medyo nandidiri ako pero mas nauna sakin yung pag-alala.

"Anong nangyare?!"

"Sinaksak ko ng basag na salamin..."

"May saltik ka talaga! Sandali wag kang aalis jan." umakyat ako papunta sa kwarto ni Shaina nang walang pasabi. "Hoy Shaina! Dalhin mo yung gamot gamot achuchu mo at bumaba ka!"

"Baki---"

"Dahil sinabi ko! Bilisan mo!" hindi na umangal si Shaina at bumaba na bitbit yung kit nyang ewan. Nagulat naman sya nang makita si Muffy at ganun din si Muffy kay Shaina.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon