A smile crept up my face. Depression kills.
-Hannah
Yeheyyyyyyyyyyy after 25 years hihi
ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー
[Chapter 16 - Cursing the World]
CHARLI'S POV
Natapos ang tenth day namin ni Yoongi kagabi sa isang picture. Isang picture na pina-develop ko at dinikit sa tabi ng mga nauna naming picture na pina-develop ko rin. Di ko maiwasang ngumiti habang inaalala yung munting grin nya kagabi. Napaisip tuloy ako, meron ba talagang stages ang relationship ng isang tao kay Yoongi? O baka naman kaibigan na rin ang turing nya sakin... Eih! Naguguluhan ako!
Naguguluhan din ako sa sarili ko. Habang lumalalim yung tingin ko kay Yoongi, mas lalo akong nasasanay pero mas lalo ko syang hinahangad... Creepy huh?
You can't tell me I'm a fan only... You can't tell me we all feel the same... You can't tell me I'm only confused about my feelings... You can't tell me I don't even know him personally... You can't tell me that I only love him because I'm "star struck"... You wouldn't know anything about it if you don't listen...
I... I love him... Kahit malaos sya... Kahit makalimutan ng mga tao na sikat sya... O kahit mag-disband pa ang BTS! Ay teka, wag naman sana... Pero yun na nga sa point ko!
"Earth to Charli!! Yoo-hoo! May laman pa ba 'to?!" sigaw ni Muffy habang mahinang kinakatok yung ulo ko.
"Eih, Muffy! 'Wag mo namang saktan!" angal naman ni Crystal.
"Eh... Kasi eh kanina pa nagse-space out! Gawan na kaya natin 'to ng ritwal?" nagtatakang saad ni Muffy habang tinitignan yung mukha ko.
"Gaga! Mukha mo, gawan mo ng ritwal! Baka sakaling umayos-ayos pa kahit papaano," I shouted. Medyo nagulat sila pagka-sigaw ko. Malamang kasi kanina pa nga daw ako nagse-space out.
"Eto?! Eto mukhang 'to, di maayos? Eh sa mukhang 'to kaya na-inlove si Clyde!" sagot ni Muffy.
"Clyde clyde ka jan... Malamang sira-ulo yun! Edi syempre sa sirang mukha din magkakagusto!"
"Hahahahahaha! Tama na nga! Kayong dalawa nagmumukhang sira-ulo eh!" pag-aawat ni Crystal kaya tumawa nalang kami ni Muffy.
Bigla namang tumayo si Muffy at dumeretso sa kusina, nagkalkal sya ng mga mangunguya namin. Take note nasa bahay kami nila Crystal ha!
"Hoy Deni-ssi, akala ko ba pupunta ka kayla ate Rizza?" sigaw ni Muffy mula sa kusina, inemphasize nya talaga yung "Deni-ssi." Malamang nang-aasar yan.
"Oo, mamaya pupunta ako. Parang pinapaalis mo na ako ah," sagot ko.
"Di naman sa ganon pero... Pwede na din," saad nya habang naglalakad pabalik sa sala na may bitbit na kung ano ano.
"Geh, ganyan na pala ah!" nag-pout ako. Napa-iling nalang si Crystal habang tinatawanan kami.
"Nice one, Muffy. Sa pagkakaalam ko eh 'feel at home' ang sinabi ko at hindi 'feel na feel at home' ha," banggit ni Crystal.
"Umm... That's what friends are for? Hehe..." ani Muffy. Yup, ganyan kami. Mahal na mahal ko 'tong dalawang 'to. Hindi ko sila iiwan hanggang sa pagtanda, sabay-sabay kami magkakapamilya--yan ang pangarap namin. Really, kahit magkaron kami ng kasalanan sa isa't-isa mahal ko parin sila. Pa-ulit-ulit ko silang papatawarin pa! Haha.
BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Teen FictionCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...