Daily Charli #20 - "I don't count sheep so I could sleep. I count how many time I tried and failed so I end up having a good dream and determination in my heart."
[Chapter 27 - Day 20 (SHE DID NOT ANSWER ME!)]
Third Person's POV
Napadilat si Charli bigla at napabangon sa kama. Kinabahan siya kaya kinuha niya agad ang cellphone niya na nakapatong sa end table sa tabi niya. Tinignan niya 'yung gallery niya at hinanap 'yung picture nila ni Yoongi noong nandoon siya sa bahay nila at nagcecelebrate ng birthday niya. Nang makita niya 'yun ay nakampante na siya.
"Hindi talaga siya panaginip," bulong ni Charli sa sarili niya bago humiga ulit.
Pinilit niyang matulog. Paikot-ikot na siya sa kama niya pero hindi siya makatulog, lalo na kapag naaalala niya 'yung ginawa ni Yoongi. 'Yung na talaga ang best birthday gift na natanggap niya.
Pero napaisip si Charli. "Pero ano na? Sabi ni Yoongi "saranghae," daw. Ibig sabihin ng "saranghae" ay "I love you," 'di ba? So? Ano nang gagawin ko? Ano nang mangyayari sa amin? May something na ba kami? As in—" natigilan si Charli. Sa pag-iisip.
Habang si Yoongi naman, hindi rin makatulog sa kakaisip kay Charli. Iniisip niya kung bakit hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Charli. Nang sabihin kasi ni Yoongi na mahal niya si Charli, hindi man lang nagsalita si Charli. Ngumiti lang siya bago niyakap si Yoongi.
"Did I do something wrong?" tanong ni Yoongi sa sarili niya bago bumangon at napakamot ng ulo out of frustration.
Nagpunta siya sa kusina para uminom ng tubig kaso nadatnan niya si Namjoon na nakaupo at may itina-type sa cellphone niya habang nakangiti.
Napansin ni Namjoon ang pagkabalisa ni Yoongi. "Do you have a problem?"
"Have you ever been in love?" balik naman ni Yoongi bago uminom ng tubig.
"You've been in love. Why are you asking me?" natatawang sagot ni Namjoon sa kaniya.
Umupo din si Yoongi. "Girls really frustrate me. Specially Deni."
Natawa naman si Namjoon. Matagal na niyang nahahalatang may gusto si Yoongi kay Charli at vice versa. Madalas din na nakekwentuhan ni Yoongi si Namjoon tungkol sa mga nangyayari sa deal nila. "Why? I thought she liked you?"
"Yeah, she told me too. But when I told her my feelings, she didn't answer me back. Doesn't she have feelings for me anymore? But why did she hug me? Why— ugh, damn," napasubsob nalang si Yoongi sa lamesa.
Hindi na nagsalita si Namjoon, kundi tinawanan nalang niya si Yoongi. Natawa siya dahil ngayon niya lang nakita si Yoongi na ganiyan. Naisip niya na never niyang nakitang sobrang frustrated si Yoongi dati kahit pa mag-away sila ni Eun Jae. Samantalang ngayon, hindi lang sumagot si Charli sa kaniya ay nagmumukmok na siya.
"What should I do?" bulong ni Yoongi habang nakasubsob parin sa lamesa.
"Then do it the Filipino style," natatawang saad ni Namjoon bago inurong ang laptop na kanina'y nasa gilid ng table papunta sa harap niya. "You know, in this country, if you want to date a girl, you should court her first!"
"Seriously? I'm not going to do that," malamig na sabi ni Yoongi pero sa totoo lang ay marami na siyang naiisip na paraan para ligawan si Charli.
"I'll just pretend to believe you," sighed Namjoon.
Yoongi cussed. "Alright, fine. What should I do?"
BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Teen FictionCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...