One day you will wake up drowning in my tears and realize that it's not always right ignoring things.
-Hannah
DAILY CHARLI #11: Whenever no one would come near me, someone would hug me. Whenever no one would help me, someone would be my knight. Whenever no one would love me... Someone would.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[CHAPTER 17 - DAY 11 (DEEP TALK)]
CHARLI'S POV
Para akong zombieng naglalakad pauwi ng bahay namin. Pagewang-gewang, from left to right. Hindi ko alam kung paano ihahandle and sitwasyon. Hindi ko na rin pinag-iisipan ng bongga yung day 11 namin ni Yoongi. Hindi ko na nga rin namalayan na andito na ako sa tapat ng bahay namin habang naghahabol ng hininga.
Pagkatapos kasi nung sinabi ni Muffy, I just found myself kneeling and sobbing. Then I walked out. Hindi ko na kasi kinaya yung emotions na bumabalot samin doon. Feeling ko sasabog nalang ako doon dahil sa mga nararamdaman ko.
"Ch-Charli! Ayos ka lang ba?!" inakay ako ni Tristan patayo. Napaupo na pala ako sa sahig. "Ang bigat mo, mag-diet ka na kaya?"
Sinamaan ko sya ng tingin, "Sino ba kasi nagsabi sayong itayo ako?"
Tumawa naman sya.
"Uwaaaaaaaaah!! Paano ka pa nakakatawa sa ganitong sitwasyon?" tinakpan ko ang mukha ko at nagkunwaring humahagulgol.
"U-uy sorry na! Sorry na, tahan na..." bigla ko nalang naramdaman ang gentle nyang pagyakap sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko at ewan ko kung bakit. Ano ba 'tong puso ko?! Kay Yoongi lang 'tooooo! Kay Yoongi laaaaang!!!
"Sorry na... Ang dami mo nang dinadala, palampasin mo na ako..." naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko nang ibulong nya 'yun. Napaka-comforting ng malamig nyang boses, isama mo pa yung mainit na feeling ng pagkakayakap niya sakin. Parang... Para bang kaming dalawa lang ang nasa mundo ngayon? "Ayos ka na?"
Tumango ako sa kanya at pumasok na kami sa bahay. Imbis na ako ang kumilos para sa kanya dahil bisita ko sya, sya pa ang nagsilbi para sakin. Seryoso as in binigyan nya ako ng tubig, tapos pinakain pa ako ng chocolates kasi comfort food daw yun, tapos nagboluntaryo na ayusin yung kwarto ko para makatulog ako ng maayos.
"Nako! Ano ka ba, Tristan! Nahihibang ka na ba?! Ako na! Kaya ko na yun, di naman ako baldado, noh?"
"I know. But... Please, let me make you my queen tonight," sagot niya sakin. Bigla namang nag-init ang mukha ko. Kinakapa ko ang mga tamang salitang dapat ko ilabas. I never thought responding was this hard. Tristaaaan~ Bakit ka ba nagkakaganito?!
"A-as your queen, I order you to go home now," sagot ko na medyo may pagbabanta.
"Are you sure?" -Tristan
"Yes," deretso kong sagot.
"But you are my home," ngumiti sya ng ewan ko kung nang-aasar o self-confident sa sinabi nya. Letse. Tama na Tristan, please?! Baka kasi maniwala ako sa mga pinagsasabi mo eh! Kay Yoongi lang ako! Kay Yoongi lang talaga!

BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Teen FictionCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...