They say depression makes an author. Hi.
-Hannah
HABA NG CHAPTER OMO
DAILY CHARLI #12: "Life doesn't mean sadness, anxiety, and stress. Life means faith, experiences, love, and FOOD."
——————————————————————————————————
[CHAPTER 19 - DAY 12 LET'S EAT!]
Charli's POV
"Woot woot woot woot! Woot!" sigaw ni Clyde.
"Andito na siyaaaa!! HAHAHAHA!" lumapit sakin si Zeke at nilahad ang kamay niya, sakin, "Halina po, mahal na reyna."
"Z-Zeke!" sigaw naman ni Tristan.
Napansin ko na nagtitinginan samin mga kaklase namin. Pistiiiiiii ayoko ng atensyon!
"Landi mo, hyung," komento ni Clyde sabay iling.
"Bakit ba? Eh sa pumayag naman si Charli kay Tristan eh. Tsaka wag ka nga! Porket wala si Muffy eh," sagot ni Zeke.
"Pumayag na ano? Manligaw?" tanong ni Crystal na nakaupo lang.
"Tangek, hindi! Dun sa ano, deal," sagot ni Ran.
"Umalis ka na nga, kuya! Ano bang ginagawa mo sa room namin?" tanong ni Clyde kay Zeke.
Akto namang sisipain ni Zeke si Clyde, "Eh sa wala pa akong klase eh! Epal 'to."
Hay! Ewan ko ba sa mga tao dito! Ako nalang lagi pinagdidiskitahan eh! T___T
Tsaka teka— oo nga pala! Ngayon na! Ngayon na umpisa ng walangyang deal! Deal namin ni Tristan na pinangalanan kong "20 days of Tristan with no Landian" HAHAHAHAHAHAHAHA!
Binaba ko na yung mga gamit ko at nilapitan si Tristan. Grabe awkward pero mga bes susulitin ko na 'to!
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita, "Libre moko ice cream," sabay ngiti.
Yung mga mata nila ng mga kaibigan ko na kanina ay parang nag-aabang ng sasabihin ko, ngayon ay parang mga pinagsakluban ng langit at lupa.
Ngumiti naman si Tristan "Mamaya, wala nang oras," sagot niya.
Binato naman kami ng mga kaibigan namin ng papel, "Boo! Corny nyo!! Ice cream?! Ano kaya yun!!"
"Ice cream ice cream pa, kama na yan!" sigaw ni Zeke na may bitbit na upuan at umaktong ibabato ito samin.
"Yaaaaak!! Kadiri kayoooooo!!" nagtakip ulit ako ng tenga at hinabol si Zeke. Pinagtatawanan lang kami ng mga kaklase namin.
"Okay, go back to your seats— what on earth happened here?!" bungad ng unang prof namin kaya napatigil kaming lahat at nanlaki ang mata. Si Crystal at Clyde na may hawak na lukot lukot na papel, si Zeke na may bitbit na upuan bilang panangga sakin, si Tristan at Rancor na akmang magpupulot ng papel, lahat kami natuod. Para ba kaming nakikilahok sa isang mannequin challenge.

BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Fiksi RemajaCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...