ClyFy naman :D
•———•———•———•———•———•———•———•———•———•———•
Clyde & Muffy - "Cajole"
Muffy's POV
Excited na excited ako ngayon, ewan ko kung bakit. Siguro kasi pupunta si Clyde dito mamaya. Oo magkatabi lang bahay namin pero— ahe.
Bumili ako ng figurine na chibi ni Akihisa Yoshii. Paborito niya daw kasi yun. Hindi naman halatang prepared ako kasi naka-box siya tapos naka-balot pa tapos may ribbon pa. Hindi talaga halata.
6:00 siya pupunta. 5:00 palang pero iniisip ko na agad kung anong dapat kong i-arte sa harap niya. 5 palang, gusto ko na agad siya makita.
Sa kagustuhan kong makita siya, umakyat ako sa taas ng bahay namin at binuksan ang bintana. Sumilip ako at nadatnang nakasarado lang yung bintana nila. Nakapatay pa yung ilaw.
"Panget na Clyde!" pagtatawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Tch. Umalis kaya siya? Eh 5 na ha! Dapat di na siya naggagala! Hm.. Baka may binili lang?
"Clyde!" sigaw ko ulit. Bumukas naman ang bintana kaya nabuhayan ulit ako. Kaso si Zeke lang ang bumungad sakin. Mukhang bagong-gising lang siya. Medyo naningingkit pa yung mata niya.
"Sa kabila yung kwarto ni Clyde," sabi niya na medyo ikinahiya ko. Oo nga pala, dati pala dito nagkakalkal si Clyde ng mga gamit ni Zeke, "Anong oras na?"
"U-um... Five-ten... Bakit?" nahihiya na talaga ako. Inistorbo ko pa yata tulog ni Zeke >.<
"Sakto! Buti nalang ginising mo ako! Salamat!" tumayo na at umalis si Zeke. Hmm, may pupuntahan kaya siya? Tsaka asan ba kasi si Clyde?
Nakatunganga lang ako dito sa bintana hanggang sa mag 5:30 na at sumilip ulit si Zeke.
"Muffy! Wala pala dito si Clyde. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta eh, tulog siguro ako nung umalis siya," sabi niya sakin kaya napasimangot ako, "Sige, goodluck nalang! 'Wag ka magpabuntis ha! Bata pa tayo."
"Sira ulo!" sigaw ko. Tumawa siya bago niya isinara yung bintana.
Wala si Clyde?! Saan siya nagpunta?! Hindi niya ba alam kung anong oras na?! Saang lupalop ng mundo lumusot 'yun?!
***********
NAWAWALAN NA AKO NG PASENSYA HA!! 6:30 na, hindi parin nagpaparamdam yung ugok na yun! Kinalimutan niya na ako? Huhu. Gago siya. Gago talaga.
Dahil sa inis at sa inip ko, napagdesisyunan kong magpunta nalang sa playground. Pangpa-goodvibes ba? Marami kasing magandang nangyari dito eh.
Sa tabi ng playground ay isang multi-purpose hall na wala namang purpose. As in wala. Wala naman laging tao, laging naka-lock. Ang dumi na nga konti eh.
Umupo ako sa isang swing. Dahil medyo madilim na, wala nang mga batang naglalaro. Napangiti ako nang maalala yung mga pangyayari dito.
Sa gitna ng pagrereminisce ko, biglang may narinig akong mga boses sa likod ng multi-purpose hall. Hindi ko maiwasang tumayo at lumapit kung saan nanggagaling ang mga naririnig ko.
Naglalakad ako habang nakasandal sa pader para hindi nila ako makita. Habang lumalapit ako ay lumilinaw ang mga boses. Habang nakikinig ako ay nagiging pamilyar ang mga boses nila.
"Clyde..." rinig ko ang boses ng isang babae. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ang pangalan niya kaya agad akong sumilip.
Tama nga ang hinala ko. Si Clyde, may kasama siyang babae. Yung babaeng yun ay umiiyak at nakayuko habang si Clyde ay walang ekspresyong nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Teen FictionCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...