-SIDE STORY (Zeke•Cochi)-

13 2 0
                                    

Zeke and Cochi side story :D enjoy

Yung feeling na ang awkward mo kasi yung apilido ng classmate mo "Coching"

ーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーーー

Ezekiel & Cochi - "His Mind And Her Heart"

Zeke's POV

Nandito ako ngayon sa isang tindahan ng Korean Pop merchandise. Maraming fangirls at fanboys na bumibili ng kung ano ano. Actually hindi ko rin alam kung bakit ako nandito eh. Ang alam ko lang na ang buong nasa isip ko ay si Cochi. Mahilig sya dito diba? Ang problema nga lang, hindi ko alam kung anong bibilhin. Hindi ko alam kung anong group ba ang alin, or what. Kaya lumapit nalang ako dun sa tindera.

"Ate, anong group po ba yung kumanta ng Like Ooh-Ahh?" nakakahiya pero tinanong ko parin sya. Wala eh, tinamaan na talaga ako---- peste. Like ooh ahh kasi yung pinerform nila diba?

"Ah, twice po! Ano pong gusto nyo, poster, photo cards, bag tag, t-shirt, pin, stickers, round fan, sling bag, necklace, notebook? Ay! May light stick na din po kami! Fresh from Korea! May kamahalan nga lang pero worth it na yun! Speaking of light sticks, may bago na rin kaming stock ng army bomb, exo, apink, at seventeen light sticks. Ano po ba hanap nyo hehe." sagot naman nya. Actually wala akong naintindihan. May ilan akong natandaan pero I need more options. Hindi ko muna sya sinagot at inikot ko lang yung tingin ko. Napansin ko naman na organized tong store na to ha, kada-group ay may isang section ng merchandise. Kaya nag-paturo nalang ako kung nasaan ba yung twice na yun kaya nagpunta na ako sa section nila para makapili na.

Biglang may tumabi saking babae. Tumitingin din sya ng kung ano anong merchandise ng twice.

"Thirty five pesos? Takte namang bag tag to, ang mahal..." bulong nya. Napatingin naman ako sa kanya at biglang napaiwas ng tingin nang marealize ko kung sino sya. Tuloy lang ako sa kunyaring pag-pili ng bibilhin... Hindi ako aalis hangga't di nya ako napapansin.

"Holy--- May light stick na... Letse ang mahal talaga..." nakakatawa dahil para syang batang inagawan ng candy. What do they need these for, anyway?

"Bwiset naman toh... Naiwan ko pa wallet ko... Ay-- H-hi kuya! Fanboy ka rin ng twice?" naka-ngiti nyang bati sakin. Ako naman nag-aalangan pang lumingon sa kanya. Napansin nya nga ako pero hindi nya ako nakikilala. Sa huli, napag-desisyunan kong iwan nalang sya dun. Narinig ko pa nga syang bumulong na ang sungit ko. Tch, kesa naman lamunin ako ng hiya pag nalaman nyang nandito ako. Ang ganda nya talaga, badtrip. Biglang nag-vibrate yung phone ko, kaya agad kong dinukot yun. Si Juicy Fruit pala, nagtext.

From: Juicy Fruit :P

Oy. Diba tinatanong mo kung anong fandoms ni Cochinta? Umm madami eh, ano sya, army, once, carat, exo-l, L.E.G.O., fineapple, rvstan, 4nia, sone, buddy, blackjack, pinkpanda, igot7. Ay! Fan din yun ng infinite, blackpink, beast, monstax, vixx, btob, tsaka winner. Yun :) You're welcome.

Halos dumugo ilong ko sa mga nabasa ko. Wala akong naintindihan sa totoo lang.

To: Juicy Fruit :P

Yung naiintindihan ko naman. Tsaka andami naman! Pwede bang yung the best lang?

From: Juicy Fruit :P

Tch sungit, ikaw na nga tinutulungan manligaw. Hanapin mo Exo, Bts, tsaka Twice -.-

Pagkabasa ko ng exo, bts, at twice, agad kong hinanap yun at bumili ng kung ano ano. Pinalagay ko rin sa plastic. Baka kasi mabasa, umuulan na rin eh. Nilagay ko na rin yun sa bag ko. Luckily, andito pa sya sa store, kaya pagka-alis nya ay patago ko syang sinundan. Kahit wala akong payong at naka-hoodie lang ako, sinusundan ko parin sya. Buti nalang may payong yung babaeng yun. Umupo sya sa isang bench na babad sa ulan kaya pumwesto ako sa katapat nun na waiting shed. Ang tanga naman nun, dun pa sa basang bench umupo. Edi nabasa parin yung shorts nya kahit nakapayong sya -.- teka gabi na ah? Di ba dapat umuwi na sya? Damn, anong gagawin ko? Lalapitan ko na ba? Paano ko sya lalapitan? Ano sasabihin ko? Sasabihin ko ba na "Cochi, kanina pa kita sinusundan."? Eh baka matakot yun sakin! Sabihin pang stalker ako. My phone unexpectedly rang kaya medyo nagulat ako. Ang lakas kasi ng tunog, pati tuloy si Cochi napatingin dito. Buti nalang nakatalikod ako agad. Tinignan ko yung phone ko, si Charli tumatawag.

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon