Nagiging productive ka pala kapag depressed ka.
-Hannah
DAILY CHARLI #15 - "To every play, there's always a pause."
Malapit na ;3
FREACKIN' WARNING! THIS STORY DOES NOT REVOLVE AROUND YOONGI-CHARLI-TRISTAN. DON'T EXPECT TOO MUCH. TSAKA UPDATED NA PO ULIT YUNG CAST ^___^
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 22 - DAY 15 (Studio)
ft. Beige's "Because I miss you" 🎶Charli's POV
Matapos ang eksena namin ni Tristan dito sa garden, nakakapagtakang parang wala lang kay Tristan yun. Kasi parang hindi siya naa-awkward sakin! Sinundo niya pa nga ako eh, sabay daw kami pumasok :3
"Tristan! 'Wag kang magagalit ha. Hindi ba dapat iniiwasan mo na ako? Tapos awkward, ganun ganun..." tanong ko. Naglalakad kami sa corridor.
"Bakit, gusto mo nang ganun?" balik niya. Nakangiti siya.
"Hindi naman! Ganun kasi yung mga napapanood ko tsaka nababasa ko," sagot ko naman. Totoo naman kasi, nagulat nga ako eh! Nagreready na ako na hindi ako papansinin ni Tristan tapos biglang nasa tapat na ng gate namin!
"Yung totoo, nakikinig ka ba talaga sakin kahapon? Diba sabi ko magkaiba tayo? Sabi ko wala akong balak na bawiin yung feelings ko sa kanya," hindi na nakatingin sakin si Tristan habang nagsasalita siya. Oo nga 'no! Nakalimutan ko eh ^_^
"Tanga mo, Tris..." komento ko. "Ang dami-dami mong fangirls tapos dun ka pa ma-iin love? Inaway pa nga ka ng isa mong admirer na kalahating epal, kalahating bitch dahil sayo eh!"
Ngumiti siya. "Hindi mo naman napipili yung mga taong nagugustuhan mo eh. Kahit ba sabihin mong may standards ka, hindi mo parin masasabi."
Napatango nalang ako. Bigla ko kasing naalala si Yoon— teka! Hindi! Hindi ko siya naaalala! Hindi ako inlove sa kaniya! Diba? Hehe.
*******
"Charli? Ang aga mo?" bungad ni mama. Agad ko naman siyang tinulungan sa mga kailangang gawin para sa lamay. Malapit na yung libing ni ate. Babawi na rin ako ngayon kasi ilang gabi na akong di nakakatulong sa kanila.
Pagdating naman ng 5:40, nagbihis na ako at umalis. Napagdesisyunan kasi namin ni Yoongi na 6 nalang kami magkikita tuwing gabi. Bawal umuwi ng lampas sa 10 PM! Curfew ni mama! Hihi.
Sobrang pale ng aura ko ngayon. Parang wala yung excitement? Parang wala yung giddiness. Wala yung feels ko ngayon at ewan ko kung bakit.
Siguro babalik yung feels ko pag nakita ko na si Yoongi. Ngayon kasi parang... Isang normal na araw lang na paulit-ulit. Pero pakiramdam ko hindi lang ako ang nada-down ngayon! Yung mga tao sa paligid ko parang nagsasawa na din sa buhay nila ^_^ Yung mga itsura kasi nila parang mga walang gana!
Habang naglalakad ako, bigla kong nakasalubong si Clyde. Nakatulala siya at nakasandal sa poste. Jusme sa sobrang payat niya para na siyang nag-camouflage! Dejk :> Pero dahil nakita ko siya, bigla akong nainis!
Nilapitan ko siya. Nakatayo na ako sa harap niya pero hindi niya ako tinitignan. Nakatulala parin siya sa sahig.
"Hoy! Nakadrugs ka?!" sigaw ko sa kaniya. Hindi parin siya tumitingin sakin.
Sinampal ko siya kaya napatingin na siya sakin. Humawak siya sa pisngi niya. Yung itsura niya... Mukhang sobrang wasted... Isa siya sa mga tao sa paligid ko na mukhang nagsasawa na sa buhay. Nakaramdam tuloy ako ng konting awa...

BINABASA MO ANG
Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)
Novela JuvenilCharliza Deni Sandoval is a hardcore kpop fan, a die hard army, a devoted Suga fangirl. By the time that she was contented with loving them from afar, she unexpectedly had a deal with her idol. Where will these happenings take them until the end? Wi...