[18 - Charliza and Friends]

28 2 0
                                    

I was so sad then I felt something in my eye, I thought I was crying but then again I was wrong. It was blood dripping from my eyes to my wrist. I smiled.

-Hannah

HAHAHAHAHAHHA FAKKK SOBRANG DEPRESSED KASE AKO NUNG TINATYPE KO YANG MGA YAN HAHAHAHAHAHA

P.S. BASAG NA YUNG IPAD HUHU. DITO PA NAMAN AKO NAGTATYPE HUAHUA AS IN DUROG MGA BES HUHU PERO GUMAGANA PA. PERO DUROG NA SYA HUHUHUHUHU

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[CHAPTER 18 - CHARLIZA AND FRIENDS] (lol)

Umiyak ako kanina. Oo umiyak na naman ako! Napaka-crybaby ko talaga! Kasi naman eh! Sila Yui, Mio, Mugi, at Ritsu, iniwan na nila si Azu-nyan! Huhuhu! Nakakaiyak yung huli nilang kanta na "Tenshi Fureta Yo" pramis! Kahit ilang beses ko nang napanood ang K-On naiiyak parin ako sa ending!

Bukas na din simula ng burol ng aking beloved sister. Nakita na namin sya sa morgue pero si mama na ang nag-asikaso sa lahat (legality). 6 days lang tapos hindi pa ako ipapasama sa burial T_T mahirap kasi mag-absent kapag college ka na. Sayang din naman kung mag-aabsent.

Nalaman ko nalang na bago pala yung nangyari kayla ate ay katawag niya si ate Casey na kaibigan nya. It turns out, magkaaway pala sila Rejan at Ate at nung nagbuhos ng sama ng loob si ate kay ate Casey sa phone, nagalit si Rejan at nagdilim yung paningin. Rinig na rinig pa daw ni ate Casey yung pagtili ni ate.

Eniwey, ang tagal ng tropa! Kanina pa ako naka-tengga dito sa tapat ng bahay namin!

Bigla namang nagsidatingan ng sabay-sabay ang mga friends ko. Si Clyde at Zeke nakamotor, si Ran at Tristan naka-skateboard (they actually looked cool), at si Muffy at Crystal naka-bike.

"How come lahat kayo sabay-sabay na nagpunta dito?" masungit na tanong ko.

"Syempre nag-tipon-tipon muna kami para swegg," nakangising sagot si Clyde.

"Nagkita-kita kami sa Rico Resto bago pumunta dito," mas malinaw na pagpapaliwanag ni Zeke.

"Tara na!" bago pa man ako makasagot ay binuksan na ni Ran ang gate namin at nauna nang pumasok. Aba! Talagang nauna pa sila ha!

Pagkadaan ni Tristan sakin ay di man lang niya ako tinignan. Hala, ano 'to? Parang kagabi lang ang sweet neto ah? Two personalities (DID)? Pisti hahahahaha!

Well, di naman talaga kami tatambay lang. Gagawa kami ng project. Hindi sya group project ha! Actually individual sya pero magtutulungan nalang kami. Si Muffy nagpunta para tumulong. Kase diba iba yung course niya? Pero minsan tuwing umaga nagpupunta sya sa room namin at umaalis nalang pag dating ng prof namin. Minsan kasi mauuna ang classes namin bago ang kanya, minsan naman mauuna yung kanila. Wala naman kaming sched na magkakaklase kaming lahat huhu.

Umupo na sila sa kani-kaniyang pwesto. Good to say na kasya naman kaming lahat lols.

Lahat sila nakaupo sa sofa/loveseats bukod kay Ran na nakaupo sa sahig. Bigla siyang tumayo at kinuha yung gitara kong nakasandal sa pader. Sila Tristan at Zeke naman, naglabas ng cellphone sabay tanong sakin kung anong password ng wifi namin. Si Clyde, kumakanta kasabay ni Ran. Sila Muffy at Crystal naman, deretso sa kusina sabay kuha ng mga chips ko dun. Huhu emergency tinotopak/gutom/pini-pms kit ko yun eh!

Yoongi Zoned (Beautiful Disasters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon