HSC 9

261 8 0
                                    

Clyde's POV

"Jena, matagal na ba kayong magkaibigan ni Mae?" tanong ko kay Jena habang nasa loob kami ng kwarto niya.  Nasira kasi ang laptop ko kaya nakikigamit muna ako ngayon ng computer niya. Nasa kama siya at nagbabasa habang ako naman ay nasa computer table.

"Oo, matagal na. Bakit mo natanong?" si Jena

"Wala lang, masama ba magtanong?"

"Hindi ko sinabing masama, curious lang din ako. Baka kasi type mo si Mae."

"Hahahaha, sobra ka namang mag-isip. Masyadong advance."

"Bakit, hindi naman imposibe yun diba? Lalo na ngayon at single ka na ulit." sabi niya sabay dila sa'kin.

"Hahahaha, kalokohan mo Jena."

"Hahahaha." tawa din siya. Baliw talaga ang babaeng to. "Clyde, may tanong ako." sabi pa niya.

"Ano naman yun?"

"Anong tingin mo kay Mae?" naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Para sayo, ano si Mae?"

"Ahh." ano nga ba ang tingin ko sa kanya? hindi ko alam ehh. " Hindi ko alam." sagot ko.

"Anong hindi mo alam? Imposible naman ata yun, halos dalawang buwan na rin mula ng lumipat ka sa school namin at lagi tayong magkaksamang tatlo tapos hindi mo alam?" Oo nga, halos dalawang buwan na rin mula ng lumipat ako ng school. Ang bilis talaga ng panahon.  "Ganito nalang, mabait ba siya sa tingin mo o hindi? Maganda ba siya o pangit? Ano sa tingin mo?"

"Hahaha, ikaw talaga." 

"Ano nga?" ang kulit

"Sa tingin ko, mabait naman siya. Maganda rin naman." lalo na pag namumula siya at pag nakangiti siya.

"Talaga? ibig sabihin, type mo siya?" Tanong ni Jena at lumapit pa talaga sa tabi ko. hahaha.

"Bakit mo naman naiisip na type ko siya? ang sabi ko lang naman mabait nga siya at maganda."

"Oo nga, at ibig-sabihin lang nun, type mo siya dahil nagagandahan ka sa kanya at mabait siya para sayo."

"Hahaha, iba ka rin Jena."

"Hmmmmp, pero alam mo Clyde sa totoo lang bagay kayo."

"Sandali nga lang Jena, ano ba talaga ang gusto mong sabihin huh?"

"Ligawan mo si Mae." mabilis niyang sagot.

"Hahaha, nagpapatawa kaba Jena?"

"Hindi, seryuso ako sa sinabi ko."

"Jena, hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari."

"Bakit naman? Dahil ba sa gusto mo parin si Aileen?"

"Oo, mahal ko parin siya at hindi naman ganun kadaling kalimutan siya."

"Pero Clyde kailangan mo nang mag-move-on. Kung lagi mo siyang iisipin, masasaktan ka lang."

"Alam ko yun Jena. Pero hindi ko kailangang manggamit ng ibang tao para lang makalimutan ko si Aileen. Kung dumating man sa point na liligawan ko si Mae, yun ay dahil gusto ko siya at hindi para gamitin siya."

"Wow, nag matured kana talaga huh? Sabagay may point ka naman. Ayuko rin namang masaktan ang sissy ko ng dahil sayo."

"Alam mo, bakit kami ni Mae ang ti-na-topic natin? Bakit hindi ikaw?"

"Kyaaaa.... tumigil ka." sigaw niya sabay talukbong ng kumot niya.

"Hahaha, ang daya mo talaga."

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon