Mae's POV
Riiiinnnngggggggg......
"Hello Jane..." si Jane ang tumatawag sa akin at kung hindi ako nagkakamali siguradong itatanong nito kung bakit wala pa ako sa school ngayon.
"Hoy babae ka, asan ka na ba? di ka ba papasok?" Oh diba? sabi sa inyo eh.
"Ano ba naman yan sissy, pakihinaan naman ang boses mo pwede?" Ang sakit sa tinga...
"Tse... asan ka na ba kasi?":
"Dito na ako sa hallway ng school natin."
"Hayyyy.... mabuti naman kung ganun. Sige bilisan mo na baka dumating na si ma'am."
"Oo na." pinatay ko na ang cellphone ko at nagmamadaling tinungo ang room namin. Grabe lang malayo pa ako sa room namin pero rinig ko na ang boses ng mga classmate ko.
Pag pasok ko sa room ay nakita ko agad si Jane, kausap niya si Sarah, isa sa mga classmate namin. "hello sissy." bati ko sa kanya sabay upo sa katabi niyang upuan.
"Oh, andito kana pala."
"Wala pa, papasok palang..." sagot ko sabay tawa hahaha.
"Batukan kita gusto mo?"
"Hahaha, grabe ka naman."
"Oo nga pala di dyan upuan mo." sabi niya. Kunot noo naman akong tumingin sa kanya.
"Huh? bakit?" takang tanong ko.
"Eh kasi po, may seating arrangement po tayo ngayon." maka po naman tong si Jane, kala mo totoong magalang hahaha joke lang.
"Ganun ba? eh san ako uupo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Doon oh, sa second row. Yung pangalawang upuan." sabi niya sabay turo sa akin dun sa upuan ko daw.
"Ahh, okay..." sabi ko sabay tayu at kinuha ang bag ko tapos ay naglakad na ako papuntang upuan ko "ano naman kaya ang naiisip ng prof namin at nagpaseating arrangement siya"?
"Hello Mae" bati ni Grace sakin. Isa rin sa mga classmate namin.
"Hello din" Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Linagpasan ko naman ang isang lalaking naka yuko sa unang upuan at umupo narin ako sa pangalawa. Pagka-upo ko ay tiningnan ko yung lalaki... Parang tulog ata.
"Classmates wala daw ngayon si ma'am Santos kaya wala tayong first period." sabi ng president namin at agad namang naghiyawan ang mga classmates ko... hahaha adik talaga tong mga classmates ko....
"Ano ba naman yan, ang ingay.." reklamo ng lalaking katabi ko. Napalingon naman ako sa kanya.
O____O Ako yan.
Nanay ko pooo... bakit siya nandito?
"Miss okay ka lang?" narinig kong sabi ng lalaking katabi ko. Dun lang ako natauhan.
"H-huh?" putik talaga..... nauutal ako....
"Sabi ko okay ka lang ba?" sabi niya. "namumula ka kasi eh." Huh? ako namumula?
"Okay lang ako.... excuse me huh?." sabi ko sabay ngiti at agad na akong tumayo at lumabas ng room namin. Narinig ko pang tinawag ako ni Jane pero di ko na siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang CR.
_______________
Clyde's POV
Narinig kong nagsalita ang president namin pero hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya ang ingay kasi ng mga classmate ko.
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Teen FictionI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...