%Nice to see you again my love%
Mae's POV
*riiiiiinnnnnnnnggggggggg---Good Morning---riiiiinnnnnnnngggggg---Good Morning* tunog po yan ng alarm clock ko at dahil tumunog na siya ibig sabihin ay 5:00 am na at kailangan ko nang bumangon dahil ito ang first day ko ngayon bilang secretary ng GM ng company namin. Pero dahil tinatamad pa ako---- *alarm off* pinatay ko ang alarm at natulog ulit.
Hmmmmp.... *yawn* pikit pikit *yawn* pikit pikit "Anong oras na kaya" tanong ko sa sarili ko then inabot ko ang alarm clock ko at --- "KYYYYYYAAAAAAAAAAAA" napasigaw na ako sabay bangon at diretso sa CR.... OMG malalate na ako. Pano ba naman kasi ang bilis ng oras dito sa Pilipinas. Parang kakapikit ko pa nga lang matapos kong patayin ang alarm clock ko kanina tapos ngayon 6:15 na.
After ko maligo ay nagbihis na ako. Mamaya nalang ako kakain because its already 6:45 and I'm pretty sure na male-late na ako huhuhu.... "kasi naman Mae dapat bumangon ka nalang agad kanina." kastigo ko sa sarili ko. "Haissst, pano na to... sana hindi traffic ngayon." taimtim kong dasal.
After 12 minutes nasa parking area na ako ng company namin and its already 6:59.... kaya naman---- takbo dito takbo doon ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng elevator na papasara na. "WAIIIITTTT LAAANNGG" sigaw ko habang pinipigilan ang pagsara nito. "Thank hah youhh !" hingal na sabi ko sa lalaking nasa loob ng elevator at tumingin ako sa kanya sabay ngiti "shucckksss ampogi hehehe ni kuya." sa isip ko "Hmmpp... dito din kaya siya nagtatrabaho?" Pero badtrip ata si kuya dahil hindi manlang ako pinansin--- suplado si kuya ----- KABANAS :3
*ting* tunog ng elevator. Nasa 10th floor na kami kaya lumabas na ako at napansin kong nakasunod si kuya sakin. "Siguro dito rin siya nagtatrabaho." sa isip ko. At dahil hindi ko alam ang office ng GM-- huminto ako at inantay ko muna na makalapit si kuya sabay tanong. "Excuse me" nakangiti kong sabi sa kanya at huminto naman siya sa tapat ko. "Pweding magtanong?" tumango siya. "Ngayon lang kasi ako nakapunta dito.... alam mo ba kung nasaan ang office ng Ge-----" hindi manlang niya ako pinatapos at agad siyang nagsalita.
"Follow me." sabi niya at nagpatiuna na siya sa paglalakad. tssss.... gwapo nga pero suplado naman. "I told you to follow me not to look at me from behind." sabi pa niyang muli ng mapansin niyang nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. *Toinks* epic fail ako.
"Okay" mahinang sabi ko at sumunod na nga ako sa kanya. Badtrip, first day na first day palpak agad ako. Pero teka nga, sino ba kasi siya? Hindi naman siguro siya ang boss ko diba? Masyado siya... yung totoo kahit pogi siya ipapatanggal ko siya dito pag ako nainis sa kanya hehehe... joke lang. Teka nga pala, hindi nga pala ako nakapag ayos kanina dahil sa kamamadali ko haisst... di ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon kaya bahala na, kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ko ngayon dahil baka mukha na pala akong bruha ng hindi ko nalalaman. . *Hinga* *Hinga* "K-kuya.." tawag ko sa lalaking kasama ko ngayon.
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Teen FictionI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...