Saturday
Mae's POV
"Ate Diane pupunta po ngayon dito yung mga ka klase ko. Dito po kasi kami gagawa ng project naming slogan." Sbi ko kay ate Diane habang kumakain kami ng almusal.
"Okay. Ilan ba kayong gagawa ng project niyo?"
"Apat po ate." sagot ko.
"Sissy.... ate Diane...." sigaw ng boses sa labas ng bahay namin.
"Kyaaahhhh..... ate andyan na po sila. Paki sabi po naliligo pa ako huh?" sabi ko sabay takbo papuntang kwarto ko. Grabe, ang aga naman nilang dumating, hindi pa nga ako nakakaligo ehh."
Pagkatapos kong maligo't magbihis ay bumaba narin ako. Akala ko ay nandun na silang lahat yun pala ay si Jane palang ang dumating. Nadismaya naman daw ako kasi akala ko ay kasama ni Jane si Clyde huhuhu.
"Hi Sissy!" si Jane.
"Bakit ikaw palang ang nandito Sissy?" tanong ko sa kanya
"Susunod nalang daw si Clyde. May gagawin pa daw kasi siya."
"Ahh ganun ba. Eh si Sandra, bakit wala pa?"
"At talagang naki Sandra kana rin huh? hahaha, sabi niya susunod nalang din daw siya."
"Ahahaha... pagbigyan na natin."
"Ahahaha..."
"Hoy anong pinagtatawanan niyo diyan?" si ate Diane.
"Hahaha, yung ka-klase po naming bakla ate. Sandro kasi ang pangalan niya pero gusto niyang Sandra itawag namin sa kanya." Jane
"Ahh.... siya ba yung isa sa ka-group niyo?"
"Oo ate."
"Akala ko naman mga Boy's ang ka group niyo. Mga Girls din pala."
"hahahaha... hindi po ate, yung isa po lalaki talaga."
"Talaga??? cute ba??" si ate Diane talaga hahaha.
"Opo, bagay po sila ni Mae." Ano daw???
"Hahaha, talaga? kaya siguro nagmamadali si Mae na maligo kanina kasi may pogi kayong ka-group hahaha." Mga baliw talaga tong mga to. Pagtulongan daw ba ako.
"Tigilan niyo nga akong dalawa." sabi ko sabay pout.
"Ahahaha, namumula ka na naman Mae."
"Hindi kaya." Nako naman, ako na naman ang nakita ng dalawang to. Sige lang, makakaganti rin ako someday hehehe.
Dahil sa sumusunod sa oras ng usapan ang mga ka-group namin ay hapon na sila dumating at take note sabay pa talaga. Grabe talaga tong mga to, kanina pa kaming umaga ni Jane nag-aantay sa kanila at halos nakatatlong movie na kami, hindi parin sila dumating. Mabuti nalang at naalala pa kami ng mga to.
"Mabuti naman at naalala niyo pa kami nuh?" si Jane
"Hehehe, sorry guy's... nag date pa kasi kami ni papa Clyde ehh.." Ano daw??
O_O ako yan.
"Sira, kala mo naman papatulan ka ni Clyde." Jane
"At bakit? kung sayo lang din naman eh mas hamak namang mas maganda ako sayo nuh.." Sandra
Sasagot pa sana si Jane pero pinigilan ko. "Tama na nga yan, tigilan niyo na yang pag-aaway niyo. Hindi yan makakatulong sa'tin." Ang gulo talaga ng mga to.
"Pasensya na kayo ahh, May pinuntahan lang kasi ako kanina." Clyde
"Tama na yan. Mag simula na tayo." ako
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Teen FictionI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...