HSC 18

211 7 3
                                    

Sembreak  

Mae's POV 

"Ate Diane, alis na po kami." Paalam ko kay ate Diane.

Paalis na kami ngayon papunta kayla Clyde... ( Remember yung pangako namin sa mommy ni Clyde??? Basta tanong niyo nalang po kay Author kong anong chapter yun hehehe) 

"Sige, mag-ingat kayo." nakangiti niyang sabi at nag hug muna kami. "You take of your self okay?" Nak's umi-english si ate hehehe...

"Nose bleed ako dun ahh?" pabiro kung sabi sa kanya.

"Hmmmp... minsan lang ako mag english kaya pagbigyan mo na ako hahaha." 

"Ahahaha... sabi ko nga po.... Sige ate, alis na po kami." Paalam ko ulit sa kanya at lumabas na ako ng bahay namin.

Paglabas ko ng bahay ay nakaabang na sila Jane at Clyde sa may Gate ng bahay namin at nakita ako ni Clyde kaya lumapit siya sa akin para kunin yung gamit ko.

"Ako na magdadala nito aa?" paalam niya.

"Sabi mo ee." sagot ko naman.

So yun, dinala na nga niya ang gamit ko at linagay sa car trunk ng sasakyan niya. Doon din kasi nila nilagay yung mga gamit nila. "Clyde may sasabihin ako sayo mamaya pag nandon na tayo sa inyo." sabi ko sa kanya bago kami pumasok sa loob ng car.

Napagisip-isip ko kasi na siguro panahon na para sagutin ko si Clyde... Mula nung gabi na sinabi niya sa akin na liligawan na niya ako... Araw-araw niya na akong hinahatid sundo sa bahay at lagi kaming sabay kumakain ng lunch... minsan kasabay din namin mag lunch sina Jane at Vince. Minsan din ay binibigyan niya ako ng flowers and chocolate.... mas naging sweet pa siya sakin kaya naman mas lalo ko pa siyang minahal. At ngayon nga, naiisip ko na sagutin na siya.

"Ano yun?" ay.. kakasabi ko lang na mamaya diba?? Kulit lungssss....

"Maya na."

"Okay." tapos nag smile siya sakin... ANG GWAPOOOO.....

Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay nakita ko si Jane na inaayos ang head phone niya at humiga siya... Siya lang kasi ang mag-isang nakaupo sa back seat kaya malaya siyang makakahiga. Ako naman ay nasa passenger seat  nakaupo at si Clyde naman sa driver seat (Malamang siya mag da-drive ee.. sorry engot lang talaga si author :P ) "Sissy matutulog kaba?" tanong ko kay Jane. Nakapikit na kasi siya, hindi pa man umaandar yung sasakyan.

"Oo sissy.. napuyat ako kagabi kakachat namin ni pumpkin ee." at kinilig pa talaga siya aa? okay.. siya na may lablyf.

"Mabuti pa nga matulog ka... ang ingay mo kasi kapag gising.... Arrraaayyyy... makasipa ka naman." reklamo ni Clyde.

"Ang dami mo kasing sinasabi." pairap na sabi ni Jane kay Clyde. 

"Totoo naman kasi ee."

"Ang kapal mo." At dahil ako ang dakilang taga awat sa kanila......

"HOY ano ba kayong dalawa? mag-aaway nalang ba kayo o aalis tayo?" medyo pasigaw kong tanong sa kanilang dalawa...ohh diba?? tumahimik sila pareho?? para talaga silang mga aso't pusa kung minsan.. -___-

Dahil okay na silang dalawa gumura na din kami...... and after 5 hrs and 30 mins. ay nasa bahay na kami nila Clyde... Dapat 5 hrs lang ang biyahe kaso ma traffic ng kunti kaya late kami ng 30 mins. sa exact na oras ng pag dating namin.

 "Welcome back girl!" masayang bati samin ng mama ni Clyde pagkababa namin ni Jane mula sa sasakyan.

"Thank you tita... na miss po namin kayo." sabi ni Jane at nag hug siya sa mommy ni Clyde.

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon