Clyde and Aileen at the rigth side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
******************************************************************************************************
Clyde's POV
"Ma, bakit ko po kailangang lumipat ng school, sayang naman po at gagastos pa kayo..... isa pa isang buwan nang nag umpisa ang klase mahihirapan na po akong mag transfer" sabi ko kay mommy
"Nako Clyde, mas mabuti pang lumipat ka ng school kesa naman araw-araw kaming ipatawag ng papa mo sa school niyo." sagot naman ni mommy
"Pero mommy, hindi ako ang nagsimula ng gulo....pinagtanggol ko lang si Aileen." sagot ko naman sa kanya. Ayuko talagang lumipat ng school.
"Isa pa ang Aileen na yan, Clyde alam mo bang siya ang dahilan kung bakit lagi kang napapasok sa gulo?"
"Magpapahinga na po ako.." sabi ko at iniwan ko si mommy sa sala at nagtungo ako sa kwarto ko. Alam kong wala ding patutunguhan ang usapan namin.... madadamay pa ang girlfriend ko. "haisst, nakakainis talaga.... paano ko ipapaliwanag kay Aileen ito.." sa isip ko habang naka higa ako sa kama ko.... hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko kay Aileen, siguradong mag tatampo siya sa'kin. "haisst, bahala na to, maiintindihan niya naman siguro."
___________________________________.............
SA SCHOOL___________
Matapos ang huling klase ay nagpunta ako sa room nila Aileen, niyaya ko kasi siyang mamasyal dahil balak ko nang sabihin sa kanya na ito na ang huling araw ng pagpasok ko sa school namin. Naayos na kasi ang pag lipat ko ng school at bukas na ang alis namin ng parents ko papunta sa bahay ng tita ko.
Ang sabi ni mama doon daw ako inilipat sa school ng pinsan ko, doon din ako titira dahil malayo kung uuwi pa ako sa amin, kaya linggohan nalang ako makakauwi.
"Hello babe" bati ni Aileen sakin ng makita niya ako sabay halik sa pisngi ko... "so panu, lets go?"
"Sure" nakangiting sabi ko at umalis na nga kaming magkahawak kamay.
Nagpasya kaming kumain matapos makapag libot-libot sa mall. Ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya niyayang lumabas ngayon.
" Ahm.... babe, may sasbihin sana ako sayo... sana wag kang magagalit..." panimula niya.
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Novela JuvenilI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...