HSC 28

137 4 0
                                    

Clyde's POV

"Honey gising na!" tawag ko kay Mae.

8 pm na at nandito na rin kami sa Manila. Kadarating lang namin dahil hapon na kami nakaalis sa Baguio kaya ito at ginabi na kami ng uwi.

"hmmmm" ungol niya. Mahimbing masyado ang tulog niya kaya pinagmasdan ko muna siya. 

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kami na ulit ni Mae. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa ngayon. Sana lang wala nang magbago, sana lang hindi niya ako kamuhian sa oras na malaman niya na ako at ang taong minahal niya noon ay iisa. 

Pero ayuko munang isipin yun sa ngayon. Ang tanging gusto ko lang gawin ay ang pasayahin siya. "Mahal na mahal kita, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo sa lahat ng naging kasalanan ko. Pangako hon, hinding hindi na kita ulit sasaktan." sabi ko habang marahan kong hinahaplos ang mukha niya. Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo then sa ilong niya tapos sa lips niya.

"Hmmm..." ungol niya ulit. Napangiti nalang ako. Napagod siguro siya masyado. 

Ayaw ko sana siyang gisingin kaso hindi pwede, hindi ko kasi alam ang password ng condo unit niya kaya kailangan ko talaga siyang gisingin. Para na rin makapagpahinga na siya ng maayos. "Mae gising na" tawag ko ulit sa kanya.

"Hmmmmm... mamaya na." sabi niya sabay pout. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya ulit sa lips niya. "Clyde!" 

"Hahaha, kiss lang pala makakapag pagising sayo ee. Dapat pala kanina pa kita hinalikan." sabi ko sa kanya sabay pisil sa ilong niya. Namumula na naman siya hehe.

"Eee...." sabi niya sabay pout ulit. "Bakit mo ako hinalikan?" 

"Bakit masama ba? Girlfriend naman kita kaya okay lang yun." ako

"Tsss... baba na ko ahh?" sabi niya tapos tinanggal na niya ang seatbelt niya at ako naman ay bumaba na para pagbuksan niya ng pinto. "Thank you!" sabi niya at lumabas na siya sa sasakyan ko.

"Want me to come with you?" tanong ko sa kanya.

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon