Clyde'sPOV
"Sino yan?" medyo malakas kong tanong sa babaeng nakaupo sa may terrace namin. Kahit nakatalikod ay parang alam ko na kung sino siya.
"C-Clyde? ahm.. kasi hindi ako makatulog kaya tumambay muna ako dito. Pasensya na" sabi niyang parang nagulat ata sakin. tama ako, si Mae nga.
"Wala yun, pasensya kana kung napalakas ang boses ko. nagulat lang ako kasi akala ko may white lady sa terrace namin hehe." sabi ko sabay kamot sa ulo. "Ganun din ako kapag first night ko sa ibang bahay, hindi rin ako nakatulog agad."
"Pareho pala tayo. Hindi kasi ako sanay matulog sa ibang bahay."
"Teka, gusto mo ba ng maiinom? gatas, coffee, o kahit ano sabihin mo, ikukuha kita."
"Nako, wag nalang Clyde, papasok narin naman na ko sa loob kasi antok na ko kaya wag nalang." sabi niya sabay tayo mula sa inuupuan niya.
"Sigurado ka?" paninigurado ko, wala naman kasi sa mukha niya kanina na inaantok siya.
"O-oo, k-kaya maiwan na kita aa?" bago pa man makapasok sa loob ng bahay si Mae ay hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya.
"Teka lang Mae. Pwede ba tayong mag-usap muna?" sabi kong nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "please?"
"Anong pag-uusapan natin Clyde?"
"Ahm, Mae iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Huh? b-bat naman kita iiwasan?
"Hindi ko rin alam, pero na papansin kong parang umiiwas ka sakin minsan."
"Clyde, sa tingin mo ba sasama ako sa inyo dito ni Jane kung iniiwasan kita?"
"I don't know,. naguguluhan ako Mae... sa school kasi, hindi muna ko masyadong pinapansin. akala ko galit ka sakin"
"Clyde, hindi totoo yan. Hindi ako galit sayo at hindi rin totoong hindi kita pinapansin, ayuko lang na mapalapit sayo ng husto dahil natatakot ako."
"Natatakot? natatakot para san Mae?" Naguguluhan ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin niya.
"W-wala... kalimutan mo na ang sinabi ko. Sige Clyde, papasok na ako sa loob."
"I love you!" sigurado na ako, mahal ko si Mae at gagawin ko ang lahat para mahalin din niya ako.
*
BINABASA MO ANG
High School Crush (Forever) Completed
Ficção AdolescenteI can't get you out of my mind, I keep thinking of how much I love talking to you... how good you look when you smile, how much I love every time you blush... I day-dream about you off and on, replaying pieces of our conversation, laughing at fu...