HSC Finale 2

232 9 1
                                    

THE WEDDING DAY

Mae'sPOV

"Wow sissy.... ang ganda-ganda mo talaga. Bumagay din sayo ang wedding gown mo. Sabi ko na nga ba at babagay talaga sayo ang gown na yan ee." Hiyaw ni Jane. "Siguradong mapapanganga na naman ngayon si Cly--- ay si Raeven pala." dugtong pa niya.

"Talaga sissy? Thank you so much sa lahat ng tulong mo sissy." pasasalamat ko kay Jane.

"Hmmmp... ilang oras nalang at magiging misis kana hihihi." kinikilig na sabi niya pero bigla ring nagbago ang expression ng mukha niya at naging malungkot naman ngayon.

"Oh, bakit ka naman biglang nalungkot dyan?" tanong ko sa kanya.

"Kasi naman sissy, ikaw ikakasal na samantalang ako hindi pa." nagtatampong sagot siya sakin.

"Hahaha, ikaw talaga sissy... eh di ayain mo na rin yang boyfie mo na magpakasal para hindi kana malungkot." biro ko sa kanya.

"Tsee, ayuko nga. Babae ako tapos ako mag-aaya sa kanya? swerte naman niya." nakabilat na sabi niya.

Habang nagsasalita si Jane ay bigla namang pumasok si Vince.

""Narinig ko yun." sabi ni Vince ng nakangiti sabay kindat sakin.

"Kyaaaa.... bakit di mo sinabing paparating siya." sabi ni Jane sabay takip ng mukha niya. Natawa naman ako reaction ni Jane.

"Ano sweetheart, gusto mo sabay nalang tayo kaila Mae?" biro ni Vince kay Jane.

"Oo nga sissy, pwede rin naman." panggagatong ko sa sinabi ni Vince.

"tsee... ewan ko sa inyong dalawa." nakasimangot na sabi ni Jane.

"Oh, mukha kinakawawa niyo dito si Jane ah?" hindi namin namalayan na nakapasok na pala si papa.

"Papa, nandito kana pala." Ako

High School Crush (Forever) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon